CHAPTER FIVE - SIMPLE LIFE

120 4 0
                                    

SID'S POV

Pagkatapos ng kasal ay dumiretso kami nina Sky sa reception. Ginanap ang reception sa mansyon nila. Kumpleto ang mga kasamahan nya dito at ganun din ang pamilya ko.

Nakaupo kami ni Sky sa isang table na pinasadya para sa aming mag-asawa. May mga patugtog sa paligid at masasabi kong garbo ang handaan. Pinagtuunan talaga to ng pansin nina Brix at Violet.

Naglalapitan sa amin ang mga pamilya ni Sky at pamilya ko para batiin kaming dalawa. Pinasasalamatan ko sila ng ayos, pero si Sky ay kanina pang walang imik at busangot ang mukha.

Marahil, hanggang ngayon ay hindi pa din nya tanggap na kinasal kami.

Sigh.

Mukhang mahihirapan ako ng husto bago ko tuluyang makuha ang loob nya.

"Ninong Ethan! Ninang Ashley!"

O. O

Halos tumalbog ang puso ko nang marinig kong nagsalita si Sky. Lalo pa at yun ang mga salitang lumabas sa bibig nya.

Inilingon ko ang tingin ko sa paligid para hanapin kung nasaan ang mga taong binanggit nya. Hanggang sa matagpuan ng mga mata ko ang taong yon mula sa gitna ng crowd.

Si Ethan Rei at ang asawa nyang pinamumunuan ang Red Admiral Organization. Si Ashley Rei.

Naglalakad ang mag-asawa palapit sa table na kinauupuan namin ni Sky. Pinagmasdan ko lang sila. Nakita kong nakatitig sa akin si Ethan. Ang mga puti at itim nyang mata ay blanko, hindi mo sya mababasahan ng emosyon. Hindi kagaya ng kasama nyang babae.

Si Ashley ay nakangiti at napakasweet ng mukha nya kahit kailan.

Nang makalapit sa amin ang mag-asawang yon ay naramdaman ko ang kusa kong paglagok. Hindi ko maunawaan kung saan nagmula ang bahagyang kaba na nasa dibdib ko.

Posible bang dahil sa presensya ni Ethan? Hindi ako sigurado.

"Sky! Sid! Congratulations!" Tuwang-tuwa na sabi ni Ashley at nagpakita ng shy smile sa amin.

Hindi ako nakapag response sa sinabi nya. Sa mga oras na to, ang tanging nagawa ko lang ay titigan si Ethan Rei sa mga mata nya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, tila ba naparalisa ako.

Ganitong pakiramdam na naman.

Sariwa pa din ang takot ko sa taong to. Na sa tuwing makikita ko ang blanko nyang tingin ay binabalik ako sa nakaraan.

Sa nakaraan kung saan muntik na nya kaming paslangin ng buong pamilya ko. Ang syang araw din kung kailan nawala sa amin sina Auntie Eunice at Uncle Apollo.

Sariwa pa din ang lahat....







FLASHBACK << >>

Naalala ko pa din ang lahat. Nasa harap kami ng malaking mansyon. Ang mansyon na yon ay ang hide out ng Red Admiral army.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon