CHAPTER FOURTEEN - LOVE IS PLAYFUL

125 4 0
                                    

CALLISTO'S POV

"Thank you Callisto." Hagikhik sa akin ni Sera nang buhatin ko sya papunta sa kwarto dito sa unang palapag ng bahay. Lasing na lasing na kasi sya kaya hindi na nya kayang pumunta pa dito mag-isa.

Nakahiga na sya sa kama at nakatingin sa akin. Pulang-pula ang mukha nya dahil sa tindi ng alcohol na dumadaloy sa katawan nya.

Pero sa kabila ng kalasingan nya ay nanatili ang napakacute at amo nyang mukha. Ang hirap isipin na isa syang lesbian. Sa dinami-dami pang pwede mong magustuhan ay yung kapatid ko pa.

Tsss.

Nakakatawa.

"Magpahinga kana. Magpapahinga na din ako." I said at her.

Mabilis nyang tinango ang ulo nya, "Good night Callisto."

Damn.

You are so sweet Sera. Paanong hindi ako mahuhulog sayo? Ang titigan si Sera na nakahiga sa kama ay nagdudulot ng pagdidilim ng paningin ko.

Kung kaugali ko lang si Clint at Ace, baka nagkasala na ako sa babaeng to. I wanna kiss and undress her, tinuruan nga lang ako ng ama ko ng tamang asal pagdating sa babae.

Dad Brix always telling me na, kapag may mahal akong babae huwag kong haharasin. Daanin ko sa proseso ang lahat. Ligawan ko at pangalagaan ko.

Yun ang dahilan kung bakit successful ang relasyon nila ni Mom. Na alam kong kailangan kong sundin kung gusto ko din ng relasyon na tinatamasa ng ama mo.

"Good night." Yun nalang ang naisagot ko kay Sera at pagkatapos ay tinalikuran ko na sya. Naglakad na ako papunta sa pintuan.

Nang makarating ako doon ay hinawakan ko and door handle and I pulled the door open.

(Creaking door sound)

Lumabas ako ng kwarto.

Tahimik na dito sa bahay ni Sid. Marahil ay natutulog na din sila ni Sky sa ikalawang palapag. Pagod din kasi si Sid at ganun din si Sky.

Pagod na din ako. I need to take a rest.

Muli akong naglakad at dumiretso ako sa may hagdan dito sa sala. Nang makarating ako sa hagdan ay umakyat ako doon at pumunta sa ikalawang palapag.

I reached the place.

Kagaya ng sinabi ni Sid ay may dalawang kwarto dito.

Lumapit ako sa isang kwarto at hinawakan ang door handle. Hindi yon naka lock kaya sigurado akong ito ang bakanteng kwarto.

I can sleep here.

(Creaking door sound)

Binuksan ko ang pintuan at pumasok ako doon. Sa pagbukas ng pintuan ay nakita ko na walang tao dito at bakante ang kama.

Naglakad ako papasok.

Dumiretso ako sa direksyon ng aircon at binuksan ko yon. Then I jumped onto the bed, nahiga ako sa kama.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon