CHAPTER SEVENTEEN - SLAP OF THE REALITY

108 4 0
                                    

SID'S POV

Nakasakay ako sa motorbike ko at nagmamaneho na pabalik sa bahay namin ni Sky. Si Sky naman ay naiwan na sa mansyon nila.

Alam kong malungkot na magkakalayo kaming mag-asawa, pero ang pabaon nyang halik sa akin ay sapat para umuwi ako sa bahay ng nakangiti.

Nakatingin lang ako sa unahan at nagmamaneho. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natuwa ng ganito. I mean, she asked for a kiss. Ibig sabihin ba noon ay nahuhulog na sa akin si Sky.

Posible ba?

(Car horn)

O. O

Ayos naman ang pagmamaneho ko noong una dito sa kalsada habang inaalala ang pabaon na halik sa akin ni Sky. Pero nang sandaling makarinig ako ng malakas ba busina ng sasakyan ay...

Natapos din ako sa pagpapantasya ko.

Tsaka ko lang din napagtanto na ang sasakyan ko ay sasalpok sa isang kotse.

Dammit.

(Crashing sound)



SKY'S POV

Nasa sala lang ako at nakaupo dito sa lounge sofa.

Malalim na ang gabi, pero hindi ko pa din maunawaan kung bakit hindi ako dapuan ng antok. Mabigat ang dibdib ko at pinangangatalan ako ng katawan.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Napakaweird. Like there is something wrong happened.

Just weird.

Kaya lang ba ako nagkakaganito ay dahil nagkalayo kami ni Sid? Ganun na ba ako ka committed sa isang yon?

Oh shit. Totoo ba na mahal ko na ang isang yon?

(Creaking door sound)

O. O

Nawala ako sa pagkakatulala ko dito sa sala nang marinig kong magbukas ang main door. Lumingon agad ako doon, inaalam kung sinong darating ngayong oras.

"That's true. I really enjoyed the movie."

At hindi ko akalain na sa pagbubukas ng main door ay matutulala ako. Ang puso ko ay nagsimulang kumabog sa malakas na paraan.

For a seconds, nabigo akong maintindihan kung anong nangyayari dito. Nakatitig lang ako sa dalawang tao na pumasok dito sa mansyon namin.

Isang babae at isang lalake. Ang babaeng yon ay nakayakap pa sa braso ng lalake and I can recognize the both of them.

Sobrang pamilyar.

They are...Sera and Callisto.

Anong nangyayari dito?


CALLISTO'S POV

Nakayakap lang sa braso ko si Sera. Naglakad kaming dalawa papasok dito sa mansyon. Kakatapos lang kasi naming kumain ng dinner sa labas at manood ng sine.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon