CHAPTER TWENTY NINE - AGAIN

95 4 0
                                    

SKY'S POV

Umuwi na kami ni Mommy at Daddy sa bahay pagkatapos naming sumugod sa bahay ng mga Parker. Wala kaming napala sa ginawa dahil hindi man lang ako nilabas ni Sid.

Pero naiintindihan ko kung bakit, marahil ay tama si Anna. Ginagawa to ni Sid para gantihan ako.

And I deserve it. Lahat ng sakit ay dapat ko lang pagdusahan dahil kung ikukumpura to sa mga pinaggagawa ko kay Sid ay walang-wala lang to.

Sobra kong nasaktan si Sid at siguro nga...

Siguro nga sa loob ng apat na taon ay nakalimutan na nya ako. Kung ano man ang mga nangyari sa amin noong nakaraan araw ay isa lamang paghihiganti.

"Ang sakit daddy." I said weakly. Ang boses ko ay nangangatal habang ang mga luha ko ay nagbabagsakan.

Nandito na ako sa kwarto ko at nakaupo sa kama ko. Nandito din sa kwarto ko sina Mommy, Daddy, Callisto at Seraphina.

"Sky, it's alright. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ha. Pero lakasan mo ang loob mo. Hindi porket iniwan ka ni Sid ay susuko kana. There is so many reason for you to be happy again." Mommy explained. Nakaupo sya sa kama ko at paulit-ulit nyang pinapawi ang luha ko gamit ang mga palad nya.

Pero kahit sinubukan nila akong i-cheer up ngayon ay hindi ko magawang maging masaya. Hinang-hina ako. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang maloko. Ang maiwan ng taong mahal mo.

Nauunawaan ko na ngayon ang nararamdaman ni Sid kaya hindi na nakakapagtakang nagtanim sya ng galit sa akin at ginantihan ako ng ganito.

"It's alright baby. Nandito kami." Mommy pulled me into a tight hug. Agad din akong yumakap sa kanya. Ang mukha ko ay sinubsob ko sa balikat nya at pinakawalan ko lahat ng luha ko rito.

Parang isang batang umiiyak.

"Mommy is here. Don't cry Sky." Paulit-ulit akong sinubukan na pakalmahin ni Mommy pero kahit anong gawin ko ay hindi mapawi sa akin ang sakit. Ang lungkot. Ang pangungulila.

Nakakapanghina Sid.

BRIX'S POV


Habang tinititigan si Sky at Violet sa kama na parehas umiiyak ay nasasaktan ako ng sobra. Tanging malakas na pag-iyak nila ang naririnig namin sa bawat sulok ng kwarto na to.

Parang isang bangungot sa akin, na kung pwede lang magising na ako. Kasi ang hirap na makitang nagkakaganito ang pinaka-importanteng mga babae sa buhay ko. Buong buhay ko ay nilaan ko para protektahan sila pero sa isang idlap ay nagdusa sila ng ganito.

Napakatindi makipaglaro ng tadhana.

"Dad." Callisto called me.

Lumingon ako sa kanya. Nakatayo lang sya sa gilid ko at nakatitig sya kay Sky. Ang mga kilay ni Callisto ay magkasalubong at nakikita ko din kung gaano sya nag-aalala para sa kakambal nya.

Natahimik lang ako at pinagmasdan ang anak ko. Hinihintay ko kung ano ang susunod syang sasabihin.

Ilan sandali pa ay pinili muli ni Callisto na magsalita.

"Ikakasal na si Sid. Hindi makakabuti kay Sky kung mananatili sya dito sa Pilipinas." Callisto said.

Dahil sa sinabi nya ay muli akong tumingin sa kama. Pinagmasdan doon ang mag-ina kong walang tigil sa pag-iyak.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon