"Ilayo mo na siya dito! Bilisan mo!" narinig kong sigaw ni Daddy.
"Tumakbo na kayo! Andito na sila!" sigaw din ni Mommy.
Baaang!
"Dad!" sigaw ko nang makita kong mapahandusay si Daddy sa sahig.
Lalapitan ko pa lang si Daddy nang may biglang humugot sa akin. Sa isang iglap lang ay nakalabas ako ng bahay.
Baaang! Baaang! Baaang!
Dinig kong sunod-sunod na putok sa loob ng bahay. Gusto kong Tumakbo kung nasaan sina Daddy kaso may nakahawak sa akin na pumipigil sa akin.
Baaang! Baaang! Baaang!
"Dad! Mom!" napahagulgol na lamang ako kasabay ng sunod-sunod na putok.
Nakaramdam ako ng mabilis na hangin na dumaan sa aking harapan. Wala nang nakahawak sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay.
"Dad!" nakita kong kinakagat nang kasama ko si Daddy. "Anong ginagawa mo kay Dad!" humarap sa akin yung lalaki na may dugo pa sa paligid ng kanyang bibig.
"Dad!" di ko na alam ang gagawin ko.
"Jay! Gising!" dumilat agad ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.
Hingal na hingal akong bumangon sa kama. Nanaginip na naman ako.
"Jay, napapadalas na yang bangungot mo, magpatingin na kaya tayo?" ito na naman kami, paulit-ulit na lang.
Di ko siya pinansin, nagtungo na ako agad ng banyo para maligo.
Araw-araw ko nang na papanaginipan kung paano pinatay si Daddy. May gusto kayang ipahiwatig si Daddy sa akin?
Minadali ko na ang paliligo ko dahil gutom na gutom na ako.
Nakahain na ang almusal nang makalabas ako ng kwarto.
"Ayos ka na Jay?" tanong niya sa akin.
Tinanguan ko na lamang siya bilang tugon. Umupo ako agad at nagsimulang kumain.
Unknown's POV
"Boss wala po kaming makuhang ebidensya laban sa kanya." pahayag ni Seth kay Boss.
"Napakalinis niyang gumawa, pulidong-pulido." dugtong ni Ken.
"Matagal na natin siyang hinahanapan ng butas pero kahit isa walang nagpakita." sagot ko din kay Boss.
"Maghintay lang tayo, siya ang kusang lalapit sa atin."