Jay's POV
Pinasok na nila ang huling gamit nailalagay sa kwarto ko. "Salamat po," pasasalamat ko sa dalawang nagbuhat.
Inabutan ko sila ng tig-isang libong piso. "Salamat po Ma'am," wika nila ng iabot ko ang pera.
Nginitian ko lang sila bilang tugon. Kinuha ko ang mga gamit na inayos ko kanina at pumasok sa kwarto.
"Anong tinitingin-tingin niyo dyan? Alis na!" galit na utos ni Lucas sa kanila.
Talagang bastos 'tong lalaking 'to.
Naramdaman kong pumasok siya kaya nagsimula na ulit akong mag-ayos ng mga damit ko.
"Tulungan na kita," alok nito sabay kuha sa iba kong damit.
Agad kong kinuha sa kanya at inirapan siya. Naiinis pa rin ako sa kanya.
Inayos ko naman ang mga undergarments ko sa cabinet.
Medyo naiilang akong mag-ayos dahil nakikita ko si Lucas sa salamin na nakatingin sa akin.
Wala ba 'tong balak na umalis?
Nang matapos kong iayos ang mga undies ko ay napansin kong wala dun yung regalo sa akin ni Manang. Napansin ko agad na wala dahil siya lang ang nag-iisang kulay asul sa mga undies ko.
Hinalungkat ko ang mga damit ko sa cabinet baka sakaling naisama ko doon.
Nasaan na yun?
Lumabas ako sa kwarto baka nalaglag ko sa salas. Nakakahiya naman kung makita yung nakakalat ni Lucas.
Hinanap ko sa ilalim ng sofa, upuan, lamesa pero wala talaga.
Saan ko ba nailagay yun? Di ko naman suot ngayon.
Papasok sana uli ako sa kwarto ng biglang humarang si Lucas.
"Want some help?" alok nito sa akin.
Di ko siya pinansin, nilagpasan ko lang siya at pumasok sa kwarto.
"Baka maka tulong ako," pag-aalok uli nito.
Manahimik ka na lang. Sagot ko sa isip.
Hinalungkat ko uli ang mga damit ko sa pangalawang pagkakataon.
"Ano bang hinahanap mo?" tanong naman nito.
Panty ko nga! Sigaw ko sa isip.
Kung hindi lang panty yung nawawala kanina pa ako nagpatulong.
"Kanina may nakita ako sa salas na nakakalat na panty baka yun ang hinahanap mo?"
Napatigil ako sa narinig ko.
Shit! Nakakahiya! Nakita niya!
"Nasaan?" nahihiyang sagot ko dito.
Nakita kong napatawa siya bigla ng bahagya.
Langya! Parang gusto ko nang sumigaw sa hiya.
Tinitigan ko lang siya habang hinihintay yung sagot niya.
"Nasaan na?" tanong ko uli sa kanya.
Inirapan lang ako nito at umalis.
Nabigla ako sa ginawa niya. Talagang gumanti siya sa akin.
Sinundan ko siya hanggang labas.
"Lucas!" tawag ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin patuloy lang siya sa paglalakad.