Jay's POV
"Manong ingatan niyo po yan galing pang Thailand yang vase na yan."
"Yes po Ma'am."
-
"Nakita mo na ba yung kwarto mo?""Yes mom."
-
"Grabe ngayon ko lang nakita 'tong lugar na 'to.""Ako nga din."
-Ano ba yan umagang-umaga ang daming maingay.
Ang dami namang bisita ni Lucas. Ang ingay! Di man lang niya patahimikin nakita niyang natutulog ako.
Kainis.
Bumangon ako sa kama nang nakapikit dahil antok na antok pa ako. Ang dami ko kasing kapeng nainom kahapon kaya di ako agad nakatulog.
Ininat ko ang katawan ko. Sunod-sunod ang pagtunog ng mga buto ko. Di pa kasi ako sanay sa kama na nabili masyadong malambot.
"Good morning."
Nang madinig ko ang boses na yun ay agad kong dinilat ang mga mata ko.
"How's your sleep?"
Nakita ko si Lucas na nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Watching you," tipid na sagot niya
"Ha? Bakit? Para saan?" naguguluhang tanong ko dito.
"Wala, gusto lang kitang titigan habang natutulog," sagot nito.
Habang natutulog? Ibig sabihin
"Magdamag kang andyan? Di ba umalis ka?" gulat na tanong ko dito.
Grabe di ko alam kung matutuwa ba ako sa kanya o matatakot.
"Pagkadating ko dumiretso ako agad dito," paliwanag nito.
"Di mo na talaga ako binigyan ng privacy noh? Nung una yung undies ko, ngayon pati pagtulog ko?" galit na sagot ko dito.
"Relax! Wala akong ginawang masama! Kakadating ko lang!" depensa nito habang nakataas pa ang kamay.
"Buti naman," sagot ko sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto at agad pumunta sa kusina para kumain.
"Ba't pala ang ingay sa labas?" tanong ko sa kanya habang kinukuha yung nuggets sa ref.
"Alam kong di ka komportable na tayo lang ang andito sa lugar na 'to kaya nagdagdag ako ng mga titira dito," paliwanag nito.
"Yan ba yung dahilan kung bakit ka umalis kahapon?" tanong ko sa kanya.
"Oo," nakangiting sagot nito.
Nilagay ko agad sa plato ang mga nalutong nuggets. Sunod ko namang pinainit yung tinapay na nilagyan ko ng margarine kahapon habang nagpapaantok ako.
Tok! Tok! Tok!
Napatingin ako sa pinto ng marinig kong may kumatok.
"Ako na," pagpiprisinta ni Lucas.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
Nadinig ko ang pagbukas ng pinto. "Hello! Ako yung bagong lipat. Dyan lang kami sa tapat, gusto ko sanang makipagkilala," dinig kong boses ng babae.
Nilingon ko kung sino yung babae. Maganda siya at maputi halatang mayaman.
"Ah ok," walang ganang sagot ni Lucas.