Jay's POV
"Pupunta lang akong bayan," paalam ko sa kanila na abala sa panunuod ng TV.
"Sige ingat!" saad ni Ken habang nakatingin sa pinapanuod.
Nakilala ko na sila lahat kanina at naramdaman kong mababait sila pero di pa rin ako nagtitiwala. Pero sigurado akong kayang-kaya nila akong tulungan sa paghahanap ng mga pumatay sa magulang ko at kay Manang. Pag madami ang naghahanap mas madaling makita ang hinahanap.
"Samahan na kita," saad ni Chris na papalapit sa akin.
"Salamat na lang. Di na ako bata na dapat samahan," sagot ko sa kanya.
Pinakaayaw ko pa naman ang may kasama ako sa paglalakad.
"Mas ligtas ka pag may kasama," tutol nito.
"Hindi ako lampa tulad ng inaakala mo kaya ko na ang sarili ko," sagot ko sa kanya.
Tinalikuran ko na siya para matigil na ang usapan. Wala rin namang pupuntahan ang pag-uusap namin.
Agad akong lumakad palabas ng apartment. Natigil ako sa paglalakad dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar. Nasa ibang bahay nga pala ako.
Boom!
Nakadinig ako ng pagsabog sa loob ng apartment.
Anong nangyari sa loob?
"Miss sakay?" tanong ng tricycle driver na nasa harap ko.
Mamaya ko na lang sila tanungin.
Ken's POV
Nang makalabas si Jay ay agad kong ibinalik ang panunuod sa TV. Kaya naman niya siguro mag-isa.
Boom!
Napanganga na lang ako sa kinahinatnan ng TV namin.
Sumabog!
"Yan kasi! Imbis na bantayn si Jay nanunuod ka!" panggagatong ni Seth.
"Nagsalita yung hindi nanunuod," parinig ko dito.
Si Boss talaga kahit ano pinapasabog.
Jay's POV
"Manong pahintay na lang po," paalam ko rito.
Andito ako ngayon sa tapat ng ATM Machine balak kong tignan ang natitira sa savings namin.
Ipinasok ko na yung ATM Card ko.
PIN # ******
Balnce Inquiry
Laking gulat ko ng makita ang natitirang pera sa savings namin.
P453,098,126,014.50
Paanong ganyan kalaki ang pera namin?
Do you want printed receipt?
Yes or No
Yes
Kinuha ko yung papel na lumabas.
Magwiwithdraw na rin pala ako.
Do you want another transaction?
Yes or No
Yes
Withdraw
Savings or Checking
Savings
Enter Amount
P10,000.00Enter