Jay's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin ng utak ko ang mga nangyari kanina.
"Jay!" dinig kong sigaw mula sa likod ko.
Di ko magawang lingunin si Knight dahil napako ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Bago pa ako malapitan ni Knight nagsalita si Lucas.
"I'm your cat, Nikka."
At sa isang iglap ay naging pusa siya.
Totoo ba lahat ng nakita ko kanina o nababaliw na ako?
Pinilit kong makatulog pero tinatalo pa rin ako ng mga katanungan ko.
"Meow!"
Nagsimulang magsitaasan ang mga balahibo nang madinig ko iyon.
Nagtaklob ako ng unan para wala akong madinig na kahit anong ingay.
Baliw na nga siguro ako. Masyado lang siguro akong nag-alala kay Lucas. Imposibleng mangyari ang mga ganong bagay.
Tinanggal ko ang pagkakataklob at huminga ng malalim.
Nababaliw lang ako. Wika ko sa isip ko.
"Ba't gising ka pa?"
Muntikan na akong mapasigaw sa nakita ko. Nakaupo siya sa kama ko. Paanong di ko siya napansin?
"Paano ka nakapasok?!" gulat na sigaw ko.
"Shhh..." pagpapatahimik niya sa akin. "Wag kang maingay." Nilagay pa niya ang hintuturo niya sa labi.
"Umalis ka na habang may panahon ka pa," matapang na saad ko dito.
Huwag niya akong maliitin kayang-kaya ko siya.
Ngumisi lang siya at humiga sa kama.
Sira ulo ba 'to? Lulumpuhin ko talaga 'to.
Nakadinig ako ng mga yabag ng mga paa papunta sa kwarto ko.
Hihingi ako ng tulong.
Tumakbo ako papunta sa pinto kaso naunahan niya ako.
Pinunta niya ako sa pader at tinakpan ang bibig ko. "Wag kang maingay," utos nito.
"Jay ok lang ba dyan?" dinig kong tanong ni Ken.
Gusto ko sanang sumigaw kaso di ko magawang makasigaw dahil sa pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.
Nakita kong gumagalaw na ang door knob.
Buksan mo na!
Pero bago pa niya ito mabuksan ay napunta kami sa banyo sa isang iglap lang.
Paanong---
"Jay?" dinig ko kay Ken. Nakapasok na pala siya.
Bago pa ako makapagsalita ay binuksan ni Lucas (daw) ang shower para mapagkamalang naliligo lang ako.
Ilang sandali lang ay nadinig ko ang pagsara ng pinto. Binitawan na rin niya ang pagkakahawak sa akin.
Basang-basa kami ngayon dahil sa shower na binuksan niya.
Balak ko sana siyang suntukin nang sa isang iglap ay dinikit niya ko sa pader. Napakalapit niya sa akin at ayaw ko ng ganito.
Pinili kong manahimik dahil alam kong pwedeng-pwede niya akong patayin sa isang iglap lang.
Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko.
"Di ako masama, gusto ko lang na unti-unti mong malaman ang katotohanan," bulong nito.
Di ko maintindihan ang pinagsasasabi niya.
"Katotohanan? Anong katotohanan?" nagtatakang tanong ko dito.
Ngumiti lang ito at lumabas ng banyo.
Sinundan ko siya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko dito.
Di ko alam kung bakit ako naniniwala sa kanya pero ang pakiramdam ko nagsasabi siya ng totoo.
Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. May pagkakahawig siya kay Knight di lang masyadong halata dahil sa kulay at ayos ng buhok.
"Sasabihin ko sa'yo sa isang kondisyon." Kinuha niya ang twalya ko sa cabinet.
Bakit niya alam kung saan nakalagay ang twalya ko?!
"Bakit mo alam kung saan nakalagay ang twalya ko?
Humarap ito sa akin at ngumiti. "I'm your cat, Nikka."
Nang madinig ko ang Nikka ay nagsimulang nagbalik ang nakaraan ko. Naalala ko na naman ang pamilya ko.
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako na parang alam na alam niya ang pinagdadaanan ko.
Hindi ako pumalag sa pagkakayakap dahil gumaan ang pakiramdam ko sa yakap na iyon. At dahil sa yakap niya ay nawala lahat ng pag-aalinlangan ko sa na siya si Lucas.
"Matulog ka na," utos nito.
"Akala ko ba sasabihin mo yung totoo?"
"Sasabihin ko bukas." At nilagay niya ang twalya ko sa ulo ko. "Magbihis ka muna baka magkasakit ka."
Tumapat ito sa bintana at tumulon.
Nababaliw ba siya?!
Agad akong tumakbo papunta sa bintana para makita kung anong nangyari sa kanya.
Nakita ko ang pusa ko na nasa baba.
Siya talaga ang pusa ko.
Kailangan ko lang na tanggapin na ang inaakala kong imposible ay posible pala.
Knight's POV
Nakita ko si Lucas na tumalon mula sa bintana ni Jay. Hinintay ko munang siya makapasok bago ko kausapin si Lucas.
Ilang saglit lang ay naging anyong tao ito.
Pumunta ito sa ibang lugar at sinundan ko siya.
"Lucas," tawag ko sa kanya.
Umiling-iling ito na humarap sa akin.
"Kahit kailan wala ka talagang galang sa kuya mo," namamanghang saad nito.
"Wag ka nang mangialam," deretsahang sagot ko dito.
"Wag mo akong pakialamanan," malumanay na sagot nito.
"Di ka pa ba nakuntento?! Gusto mo ba talagang sirai---"
"Wala kang alam," malumanay pa rin na sagot nito.
At bigla itong umalis.
Walang alam?! Di pa ba sapat ang pagsira niya sa buhay ko?
Isang pagkakamali pa niya di na ako magdadalawang isip na kalabanin siya.
---