Jay's POV
"Anong gusto niyong iluto ko? Gusto ko kasi kayong ipagluto," nakangiting wika ni Celine.
Agad akong tumingin kay Lucas dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang kakakain ko lang baka malungkot na naman.
"Tss," sabay irap sa akin ni Lucas.
"Kakakain ko lang kasi kaya medyo busog pa ako," paliwanag ko sa kanya.
"Ganun ba, edi siya na lang," turo niya kay Lucas.
Tumingin ulit ako kay Lucas at hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
"Di ako gutom," seryosong sagot nito.
Agad na nalungkot ang mukha ni Celine. "Talaga yatang walang gustong tumikim ng luto ko."
"Pwede namang mamayang tanghalian namin tikman yung luto mo," nakangiting saad ko sa kanya.
"Talaga?! Yes! Siguradong magugustuhan niyo itong iluluto ko," masayang wika ni Celine. "Sa ngayon ay magkwentuhan muna tayo."
"Sige," pagsang-ayon ko sa kanya.
"I'm Celine La Vega, 15 years old and I love reading vampire books," pagsisimula nito.
"Vampire books?" paninigurado ko.
"Yup, ang ganda kasi. Ikaw ano sa'yo?" tanong niya.
"Hindi ako mahilig magbasa," sagot ko sa kanya.
"Wala kang pinagkakalibangan?" takang tanong nito.
"Matulog lang at mag-isip," sagot ko sa kanya.
"Ikaw Lucas?" baling nito kay Lucas.
Kilala niya pala si Lucas.
"Anong libangan mo?" nakangiting tanong ni Celine.
Tumingin si Lucas ng seryoso kay Celine. "Pumatay ng matanong," diretsahang sagot nito.
Nabigla si Celine sa sinabi ni Lucas.
"Nagbibiro lang si Lucas," saad ko sa kanya nang maibsan ang pagkabigla niya.
Bwisit talaga si Lucas! Mamaya matakot yung bata sa kanya.
"Naiintindihan ko naiirita na siya sa akin," malungkot na wika nito.
"Wag mo na lang siyang pansinin talagang baliw lang 'to," pagkumbinsi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya ng pilit. "Manood na lang muna kayo at magluluto na ako."
Binuksan niya yung TV na nasa harapan namin at dumiretso siya sa kusina.
Ang galing naman. Kakalipat lang nila meron na agad silang putahe sa pagluluto.
"Ano ba yung sasabihin mo?" bulong ko kay Lucas.
"Bukas na lang wala na ako sa mood," masungit na sagot nito.
"Sungit," sagot ko sa kanya.
"Tss."
Tinuon ko na lang sa panunuod ang atensyon ko.
"Flash Report: Isang bangkay natagpuan sa kalsada na wala ng buhay at puso. At ang hinihinalang pumatay ay isang bampira. Hindi ito ang unang beses na may naitala na ganitong insidente kaya ang takot ng sambayanan ay lalong lumala. Pinangako naman ng mga pulis na hihigpitan pa nila ang pagbabantay. Ang malaking tanong ngayon ng sambayan ay kung sino ang nasa likod nang karumaldumal na pagpatay sa mga tao. Nag-uulat Tina Tan."
Grabe talaga ang mga Saguinarians.
"Mga Saguinarians ba ang gumawa nyan?" paninigurado ko.
"Oo, pero di tao ang pinatay... isang Pisces," seryosong sagot nito.
"Paano mo nasabi?" takang tanong ko sa kanya.
"Tinanggalan siya ng puso ibig sabihin ay kaaway ng Saguinarians at ang Pisces lang ang nag-iisang kaaway nila." paliwanag ni Lucas.
Ganun pala.
"Oo nga pala wala kang nasabing grupo mo sa kanilang dalawa," takang tanong ko sa kanya.
"Nagtatrabaho ako sa isang Saguinarians," sagot ni Lucas.
Bahagya akong napaatras sa sinabi niya. Saguinarians siya?
"Nagt---"
"Gumawa muna ako nang maiinum habang hinihintay yung niluluto ko," singit bigla ni Celine.
Ibinaba niya sa lamesita na nasa harapan namin ang dalawang Apple juice.
"Salamat sa apple juice," pasasalamat ko sa kanya.
"Ang galing mo naman paano mo nalaman na apple flavor?" namamanghang tanong nito.
"Malakas kasi ang pang-amoy ko," nakangiting sagot ko sa kanya.
Bata pa lamang ako malakas na ang pang-amoy ko. Sabi ni Daddy namana ko daw kay Mommy.
"Wow para ka pa lang vampire may pambihirang pang-amoy," natutuwang wika ni Celine.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon.
"Wait lang punta muna akong kusina, manood muna kayo," wika nito at pumasok na siya ng kusina.
Gusto ko sanang magtanong pa kay Lucas pero hindi ito ang tamang lugar at oras para magtanong.
Nadinig kong naghihiwa si Celine dahil sa tunog ng kutsilyo.
Talagang gusto niya kaming ipagluto.
Ano kaya ang niluluto niya? Di kasi masyadong pamilyar ang amoy.
"Agh!" dinig kong sigaw ni Celine.
Agad akong pumunta ng kusina para tignan kung anong nangyari.
"Aray!" sigaw ni Celine. Nahiwa nito ang daliri niya.
Nakita ko ang sugat niya at nakita ko ang pagtulo ng mga dugo.
"Nikka," dinig ko kay Lucas.
Bumigat ang paghinga ko nang maamoy ko ang dugo niya. Bumilis nang bumilis ang pintig ng puso ko na tila gustong lumabas nito.
Anong nangyayari sa akin?
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ang tanging alam ko lang ay nauuhaw ako na parang gusto kong sipsipin ang dugo na nanggagaling sa daliri ni Celine.
Unti-unting naging itim ang paligid ko at ang huling nadinig ko ang pagtawag ng pangalan ko ni Knight.
---