Bakas pa rin ang mga dugo sa sahig, parang kailan lang nang pinatay si Daddy sa bahay na ito. Nadidinig ko pa rin ang mga putok na pinaulan sa aking mga magulang. Parang kahapon lang lahat nangyari.
Sa tuwing napapanaginipan ko ang nangyari sa amin, ang bahay na ito ang naging takbuhan ko para maalala ko ang bawat pangyayari dahil gusto ko maging malinaw sa akin ang lahat.
Lumabas na ako sa abandunadong bahay namin para makauwi na sa bahay. Napagod din ako sa kakaisip. Di pa rin kasi malinaw sa akin ang lahat, parang may mali sa mga pangyayari.
Paano kaya ako nakalabas ng bahay sa isang iglap lang?
Bakit di ko nakita yung katawan ni Mommy?
Bakit kinakagat nung lalaki si Daddy?
At paanong di ko maalala yung mukha ng kasama ko?
Di ko alam kung parte lang iyon ng aking imahininasyon o talagang nangyari iyon. Kung parte iyon ng aking imahinasyon ang galing naman. Pero kung totoong nangyari iyon ang imposible naman. Walang sinong tao ang kayang makalayo ng bahay ng ilang segundo lamang. Kaya impos---
Ano ba yan?!
May biglang humila sa akin papalayo sa kalsada.
Beep! Beeeeep!
Muntikan na 'ko. Di ko napansin ang paparating na kotse.
"Kung magpapakamatay ka wag dito sa kalsada! Dun ka sa ilog! Dun ka tumalon!" sigaw nung driver at biglang humarurot paalis.
Tss. Kaskasero.
"Okay ka lang?" tanong nung lalaking humila sa akin.
Di ko siya pinansin, nagpatuloy lang akong maglakad. Alam kong bastos ang ginawa ko pero ganito talaga ako pag may napapanaginipan.
"Wala man lang thank you?" pagrereklamo nung lalaki.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang narinig. Mas maganda na ito kaysa magawa ko na naman yung nangyari dati.
Natigil ako sa paglalakad nang humarang siya sa harapan ko.
"Ako nga pala si Tristan, Tris for short." pagpapakilala nung lalaki.
Nilagpasan ko lang siya. Wala akong ganang makipagkilala lalo na sa oras na ito, marami pa akong iniisip.
"Gusto mo hatid na kita, malapit lang bahay ko dito." pang-aalok niya sa akin.
Di ko ulit siya pinansin, mapapagod din itong magsalita.
"Silence means yes, ibigsabihin oo. Ikaw naman nahiya ka pa!" at bigla niya akong sinabayan sa paglalakad.
Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, may sumasabay sa akin sa paglalakad. Feeling ko para akong bata na kailangan pang samahan.
"Lagi kitang nakikita pero ngayon lang kita nalapitan." inisip ko na lang na may baliw akong kasama para di pa ako mabwisit.
"Pipe ka ba? Ba't di ka nagsasalita?" pagtatanong niya sa akin.
Di ko siya pinansin.
"Aaaah... pipe ka nga." Bakit parang ang tagal ko namang makarating sa bahay. Ayoko ng maingay!
At ilang sandali lang ay nakarating na akong bahay. Agad akong pumasok sa bahay para mawala na yung maingay.
"Nice meeting you! Sana magkita ulit tayo bukas! Ikaw lang kasi kaibigan ko dito. Sige salamat!" dinig kong sigaw niya habang papasok ako ng bahay.
Kaibigan? Wala akong maalala na naging kaibigan ko siya. At di ko kailangan ng kaibigan.
"Meow!"
Nakauwi na pala yung magaling na pusa ni Manang.
Nagtungo lang ako sa kwarto ko para magpahinga.
Magiging okay din ako bukas. Yan ang palagi kong sinasabi sa tuwing napapanaginipan ko yung nangyari sa amin. Nag-iiba kasi ang mood ko sa tuwing napapanaginipan ko iyon.
"Meow!"
Pucha! Muntikan na akong malaglag sa kama.
Paano nakapasok 'to?
Nagtaklob na lang ako ng unan para mabawasan yung ingay nung pusa.
"Meow!" Aargh! Problema ng pusang 'to?
Tinaklob ko pa ulit yung isang unan.
Wala na akong narinig na ingay kaya nakatulog ako.
Manang's POV
"Nakita mo yun?" pagtatanong ko kay Lucas.
Nakita ko kasi yung lalaking kasama ni Jay sa pag-uwi.
"Meow!" galit na sagot ni Lucas.
"Nakakapagtaka nga eh, parang nakita ko na yung lalaki." alam kong nakita ko na siya, di ko lang maalala kung saan.
"Meow!" sagot din ni Lucas.
Sabi na nga ba, parehas kami ni Lucas nang naramdaman.
---Please VOTE and COMMENT. Thank you!