MCNL 10

246 27 4
                                    

Jay's POV

Saan kaya sila pupunta?

Yan ang tanong ko nang makita ko silang umalis ng bahay. May binabalak na ba silang masama sa akin?

Di ko magawang magpahinga sa mga iniisip ko. Napakahirap sa akin na paniwalaan sila. Kung kanina nagawa na nilang magsinungaling sa akin paano ko pa sila pagkakatiwalaan.

Susundan ko sila.

Agad akong bumangon ng kama. Hindi ko na kayang patagalin ang mga katanungan sa isip ko.

"Meow!" Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Lucas.

"Gutom ka ba?" tanong ko dito.

"Meow!" sagot nito sabay pasok sa kwarto.

Tumalon ito sa kama at humiga.

"Sige tulog ka lang dyan at may pupuntahan ako," wika ko dito.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng maramdaman kong may humihila sa pajama ko.

"Lucas," sambit ko. Gusto niya sigurong sumama. "Isasama na lang kita."

Binuhat ko siya at tuluyan na akong lumakad.

Di ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko pero walang akong pake gusto ko silang makita.

Medyo madilim ang napuntahan kong lugar kaya medyo binagalan ko ang paglalakad.

Biglang tumalon si Lucas at nawala siya sa paningin ko.

"Lucas!" sigaw ko.

Di ko na lang sana siya sinama.

"Lucas!" sigaw kong muli.

Hindi siya pwedeng mawa---

"Aray!" Dahil sa dilim hindi ko na namalayan na may bunggo akong matigas na bagay.

Pucha! Bakit may nakaharang na bagay sa gitna ng daan?!

Lilihis na sana ako ng daan ng may biglang humawak sa akin.

Hold-up na naman ba?

Nilingon ko ang may hawak sa akin. Di ko masyadong makita ang mukha dahil sa dilim.

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin ngunit masyado siyang malakas.

"Anong kailangan mo?" tanong ko dito.

Sa halip na sumagot ay lalo pa itong lumapit.

Hindi ako umatras para malaman niyang di ako takot sa kanya.

Kailangan ko ng makaalis baka mawala si Lucas.

Tumingala ako sa kanya para makita ko ang mukha niya.

May asul siyang buhok at asul na mata. May matangos na ilong at magandang labi.

Magandang labi? Ano ba ang sinasabi ko?!

"Bitawan mo 'ko," utos ko dito.

Kailangan ko pang hanapin si Lucas.

"Lucas," sambit nito.

Kilala niya ang pusa ko?

"Nakita mo ba siya?" tanong ko dito.

Lumapit uli ito sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin.

"Ako..." pagsasalita nito. "Ako si Lucas."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya pero nawala agad ito ng maisip kong baka iyon ang pangalan niya.

"Pusa ang hanap ko," wika ko dito.

Tinanggal na niya ang pagkakahawak niya sa akin.

Tinalikuran ko na siya at pinagpatuloy ang paghahanap kay Lucas.

"Lucas!" sigaw kong muli.

Medyo naluluha na ang mata ko. Hindi siya pwedeng mawala.

"Andito na nga ako, wag mo na akong hanapin," dinig ko dun kay Lucas daw.

Makulit din ang isang 'to.

"Pusa ka ba?" tanong ko dito.

Nag-cross-arm ito. "I think so."

Adik nga 'to.

Bakit ko ba kinakausap 'to?!

Nagpatuloy ako sa paghahanap. Mas naging maliwanag ang daan dahil sa liwanag na nang gagaling sa buwan.

"Meow!" Nakita ko si Lucas sa may damuhan.

Nang lalapitan ko siya ay bigla itong tumakbo sa kabilang kalsada.

Sinundan ko siya.

Nang lumiko ako ay may nabangga na naman ako ngunit sa pagkakataong ito ay napaupo ako.

Nagulat ako ng may kamay na nakahaya sa akin. Tiningala ko kung kaninong kamay iyon.

Paanong napunta siya dyan?! Andoon lang siya kanina.

"Jay!"

Knight's POV

Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Ayos ka lang?" pag-aalala kong tanong sa kanya.

Di ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa kanya. Di ko na talaga mapapatawad ang sarili ko.

Hindi niya ako sinagot, tumayo ito at lumingon-lingon kung saan-saan.

Sinong hinahanap niya?

"Si Lucas," sambit nito.

Si Lucas?

"Meow!" Nakita ko si Lucas na lumabas mula sa dilim.

Sana mali ang hinala ko. Sana hindi pa siya nagpakilala.

---

My Cat Named LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon