MCNL 12

227 21 0
                                    

Knight's POV

"Pinatay mo siya!"

Yan ang mga salitang hinding-hindi ko malilimutan.

Pinagbintangan akong pumatay ng tao.

"Wala akong pinatay!"

Walang naniwala sa akin kahit ang aking ama ay hindi ako nagawang paniwalaan.

"Kung hindi ikaw sino ito?!"

Meroon silang napakatibay na ebidensya na magpapatunay na ako nga ang pumatay.

Litrato ko na nakakagat sa leeg ng tao.

Nakita ko ang litrato at hindi ko mapagkakaila na mukha ko nga iyon pero sigurado ako na hindi ako iyon.

Isang tao lang ang tumakbo sa isip ko sa mga oras na iyon.

Lucas

Jay's POV

Kinuha ko si Lucas at nagpaalam sa apat.

"Aalis muna ako, maghahanap na ako ng bagong titirhan," wika ko sa kanila.

"Bakit ayaw mo ba sa amin? Kung gusto mo papaalisin na lang namin si Ken tutal siya naman ang pinakapangit dito," mapang-asar na sagot ni Seth.

"Namo! Ba't hindi ikaw?!" galit na sagot ni Ken.

"Sige,mag-ingat ka," sagot ni Knight.

Natigilan sa pag-aasaran yung dalawa at napatingin kay Knight.

Anong mali sa sinabi niya?

"Boss, sigura---"

Natigil sa pagsasalita si Seth dahil tinakpan ito ni Ken.

Boss?

Balak ko pa sanang magtanong kaso parang gusto nang umalis ng pusang ito.

"Umalis ka na baka maabutan ka pa ng ulan," saad ni Chris na mukhang seryoso

Tumingin ako sa labas at wala namang bahid na magbabadya ang ulan. Napakataas ng sikat ng araw.

"Sige, una na 'ko," paalam ko sa kanila.

Nang makalayo na kami sa bahay ay nag-anyong tao na si Lucas.

"Mamasyal muna tayo," saad ni Lucas.

"Hindi ko kabisado dito," sagot ko dito.

"Ok lang." Ngumiti ito at naunang maglakad.

Sira ulo din ito.

Napunta kami sa isang parke at masasabi ko na ang payapa dito.

Umupo kami sa ilalim ng puno.

Pumikit muna ako at dinama ang hangin.

Matagal-tagal na din ng makadama ako ng kapayapaan.

"Handa ka na?" dinig kong tanong ni Lucas.

"Handa saan?" takhang tanong ko sa kanya.

Dumilat ako at tumingin sa kanya.

"Sa katotohan," wika nito at tumingin din sa akin.

Napatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam pero parang lagi kong gustong titigan yung mga mata niya.

Napansin kong ngumisi siya at doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

"You're drooling," sabi niya na natatawa.

Anong drooling?! Kapal din ng mukha nito.

Bumalik sa seryoso ang mukha ko.

"May kulangot ka sa mata," sabi ko at tumalikod sa kanya.

"What?!"

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Humarap ulit ako sa kanya.

"Hahahahahahah!" Di ko na talaga mapigilan at napatawa na ako ng malakas.

Nakita ko kasi siya punas ng punas ng mata! Haha!

"Niloloko mo ba ako?" medyo galit na tanong nito.

"Haha! Oo, di ba halata?" natatawang sabi ko sa kanya.

Seth's POV

Di ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko.

Napakasaya ni Jay.

"Sino yung lalaki? Parang ngayon ko lang nakita," nagtatakang tanong ni Ken.

Sino nga kaya yun? Sa tagal ng pagbabantay namin sa kanya ngayon ko lang siya nakita.

Napansin kong tumigil sa pagtawa si Jay at tumingin sa direksyon namin.

Langya! Lakas ng pakiramdam niya!

Agad kaming umalis sa pwesto namin.

Nakakapagtaka lang hindi namin marinig yung pinag-uusapan nila. Ako lang ba o nabibingi na ako?

"Tol, naririnig mo ba yung pinag-uusapan nila?" tanong sa akin ni Ken.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko bingi na ako.

"Anong akala mo sa akin chismoso?!" Sagot ko dito.

"Akala ko kasi chismosa!" Sagot nito.

Gago talaga! Pikon lagi.

"Bumalik na tayo," saad ni Boss at nauna nang umalis.

Sigurado?!

Hindi ako makapaniwala na papabayaan ni Boss si Jay sa lalaki na yon? Hindi nga namin siya kilala tapos ok lang kay Boss?

Walang nagbalak na magtanong kay Boss dahil ramdam namin yung galit niyang aura.

Napansin ko si Chris na malalim din ang iniisip. Pero parang may kakaiba sa kanya kaso hindi ko alam kung ano iyon.

Nang makarating kami nh apartment ay agad kong nilabas ang mga nakaimbak na dugo ng hayop na hinuli namin kahapon.

Nagsalin ako sa baso at uminom.

Bakit kaya galit si Boss at hinayaan si Jay doon?

Pakiramdam ko na sa tinagal-tagal naming magkakasama meron pa ring hindi na sasabi sa amin si Boss.

---

My Cat Named LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon