PROLOGUE

1.3K 89 12
                                    

MCNL Prologue:

"Lucaaaas!" Nasaan na ba kasi yun?! Ayoko pa man ding naghahanap ako.

"Miiing!" Malakas na tawag kong muli sa kanya.

"Tawag mo 'ko?" May lumapit sa akin na lalaki. Maputi, parang kulang sa dugo.

"Bakit? Pusa ka ba?" Walang galang na sagot ko sa kanya.

"Hindi." Sagot nung lalaki.

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paghahanap.

"Lucaaaas!" Sigaw kong muli.

"Bakit nga?" Sagot muli nung lalaki.

Ginagalit ba ako nito?

"Problema mo?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Wala." Diretsong sagot niya.

Binigyan ko na lang siya ng isang matinding irap.

"Pero ako talaga yung hinahanap mo." Pagsasalita muli nung lalaki.

Di ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap. "Miiiing!" Tawag kong muli sa pusa.

"Black..." pagsasalita niyang muli.

Alam niya yung kulay ng pusa ko?

"Yun yung kulay ng mga panty at bra mo." Pucha! Paano niyang alam?!

"Manyak!" Sigaw ko sa kanya.

"Hoy! Di ako manyak, ako talaga yung pusa mo!" Pagdedefend niya sa kanyang sarili.

"Sige, anong paboritong kinakain ng pusa ko?" Imposibleng masagot niya 'to dahil hindi naman kumakain ang pusa ko.

Ngumiti lang siya. At bigla akong kinilabutan. May nakita akong pangil sa ngipin niya.

Tinalikuran ko na lang ulit siya. Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa manyak na 'to? Halata namang nang titrip!

"Wala, walang paboritong kinakain yung pusa mo dahil di naman ako kumakain." Paano niya nalaman?!

Hinarap ko s---

Nasaan na yun?

"Meow!" Napatingin ako sa pusa.

"Lucas?"

---

Prologue po ito, di pa po ito kasama sa kwento. Baka may malito po .

My Cat Named LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon