MCNL 3

650 57 5
                                    

"Jay!" Dinig kong sigaw ng lalaking nasa kanan ko.

Humarap ako sa kanya at nasilaw ako sa liwanag na nang gagaling sa kanya.

Habang papalapit ng papalapit siya sa akin ay nababawasan ang liwanag na nagmumula sa kanya.

"Meow!" Dinig ko sa kaliwa ko.

Nabaling ang atensyon ko sa pusa na may kasamang lalaki sa tabi niya.

Di ko sila masyadong makita dahil sa dilim na bumabalot sa kanila.

Bagamat madilim, nakikita ko ang paglapit nila sa akin na nagdudulot ng liwanag sa kanila.

"Jay, halika na." Pagsasalita ng lalaki'ng nasa kanan ko.

Inilahad niya sa akin ang kanyang kaliwang palad.

Pamilyar ang mukha ng lalaki sa akin. Parang nakita ko na siya.

Nagdadalawang-isip ako kung dapat ba akong sumama sa kanya.

"Jay, sa akin ka sumama." Pahayag ng lalaki'ng nasa kaliwa ko na kasalukuyang nakalahad ang kanang kamay.

Nang makita ko ang kanyang mukha, nagsimulang kumabog ang aking dibdib.

Di maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito.

Humarap ako sa lalaking nasa kaliwa ko.

Mas pipiliin kong sumama sa kanya.

Nang hahawakan ko na ang kanyang kamay nadinig ko ang pagtutol ng pusa na nasa kaliwa ko. "Meow!"

Ang pusang iyon... di ako pwedeng magkamali. "Lucas?" Ang tanging nabanggit ko nang makita ko ang pusa ni Manang.

Nang lalapitan ko siya ay biglang nayanig ang lupa na naging dahilan ng pagbagsak ko.

Tinulungan akong tumayo ng lalaki'ng nasa kanan ko.

"Halika na." Malumanay na utos sa akin.

Nang mapatingin ako sa kanyang mata di ko na ito matanggal sa pagkakatitig.

"Huwag kang sasama sa kanya!" Dinig kong sigaw ng nasa kaliwa ko.

Di ko siyang magawang lingunin dahil di ko na matanggal ang mata ko sa maputing lalaki na ito.

Tuluyan nang nahawakan ko ang kanyang kamay na naging dahilan sa pagtigil ng paggalaw ng lupa.

Tama ang pinili ko. Mas ligtas ako sa kanya.

Wala pang limang segundo ng magsimula muli ang pagyanig. Mas malakas ito kumpara kanina.

"Aaaaaaahhh!" Sigaw ko nang biglang bumuka ang lupang kinakatayuan ko.

Mabuti na lang at hawak ako ng kamay ng nasa kanan ko.

"Jay!" Sigaw nung lalaking nasa kaliwa ko.

Nangangalay na 'ko. Di ko na kaya.

"Bumitaw ka na!" Dinig kong sigaw sa kaliwa ko.

Di ko gagawin yon.

Nararamdaman ko ang pagbaon ng kuko ng nakahawak sa akin.

Nasasaktan na ako.

Palalim ng palalim ang pagbaon nito sa aking kamay.

"Maniwala ka sa akin." Pakiusap ng lalaking nasa kaliwa ko.

My Cat Named LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon