MCNL 4

542 48 4
                                    

Manang's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagbukas ng gate sa bahay. Agad akong dumungaw sa bintana para makita kung sino iyon.

"Mas pipiliin ko siyang patayin kaysa pakawalan siya nang walang nalalaman." Dinig kong sabi ni Jay.

Itong babae na talaga na 'to, di na natakot. Anong oras pa lang?

Nang makapasok ito nakita ko kung sino yung kasama niya.

Nang makita ko siya agad akong lumabas para hanapin si Lucas.

Nakita ko si Jay na nakatingin sa labas.

"Jay, nakita mo ba si Lucas?" pagtatanong ko sa kanya.

"Nasa taas siya kanina." Sagot niya.

"Tinignan ko na wala siya don." Paninigurado ko.

Kung andoon nga si Lucas sa taas, bababa iyon pag nadinig niya si Jay.

"Nasaan na naman ba yon? Naku humanda yun sa akin." Dugtong ko.

Nasaan na ba kasi yung Lucas na yon? Alam naman niyang di siya pwedeng umalis ngayon.

Pumasok ako kunwari sa kwarto.

Nang madinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ni Jay ay agad akong lumabas.

Hinanap ko agad si Lucas.

Wala, wala nga siya sa kwarto. Di siya bumaba eh.

Dumungaw ulit ako sa bintana. Nakahinga na ako ng maluwag nang makita kong wala na yung kasama ni Jay.

Di kasi maganda ang pakiramdam namin ni Lucas doon.

Nakita kong umilaw ang aking telepono.

Knight's Calling...

Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot.

"Wag kayong lalabas, andito na sila." At binaba niya ito agad.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Sana maging maayos ang lahat.

"Sino ka?!" Nang madinig ko ang boses ni Jay agad akong kumuha ng kutsilyo at umakyat sa taas.

Sabi na nga ba. Kahit na nakamaskara pa ito ay kilalang-kilala ko siya.

"Bitiwan mo siya!" Tinutok ko sa kanya ang kutsilyong hawak ko.

Tinakpan niya ang ilong ni Jay ng panyo. Nawalan agad ito ng malay.

"Walang hiya ka!" Agad ko siyang sinugod. Ngunit nakaiwas ito.

Nilapag niya muna si Jay sa kama at biglang lumapit sa akin.

"Wag ka ng mangialam." Malumunay ngunit nakakatakot pakinggan.

Sinugod ko siya ulit. Nakaiwas na naman ngunit may daplis siya sa kaliwang braso.

"Ayaw ko sana 'tong gawin..." at bigla niyang inagaw ang kutsilyong hawak ko. "Kaso pinilit mo ko." At sinaksak niya ako agad sa puso.

Knight's POV

Nang matapos kong tawagan si Manang ay agad na akong sumugod sa grupo ng mga Saguinarians.

Di ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin.

Binali ko agad ang ulo ng nasa harapan ko.

Di ko hahayaang makuha nila si Jay. Patayin muna nila ako bago nila siya makuha.

Di ko sinanto ang mga nakasalubong kong Saguinarians. Binali ko lahat ng ulo nila.

"Boss, yun lang?! Napakaeasy naman ng mga ito!" Pagrereklamo ni Seth ng maubos namin sila.

"Napakaeasy? Tignan mo nga may galos yang mukha mo!" Pang-aasar naman ni Ken.

"Galing yan sa pinaiyak kong mga babae." -Seth

Natigil ako sa paglalakad ng may maamoy akong dugo.

Ken's POV

"Galing yan sa pinaiyak kong mga babae." Depensa ni Seth.

Sasagot pa lang ako ng biglang tumigil si Boss.

At ilang sandali lang ay bigla kaming iniwanan ni Boss. Bastusan?!

"Ha! Tignan mo pati si Boss lumayas kabalastugan mo!" Pang-aasar ko kay Seth.

"Gago! Di mo ba naamoy?" Galit na sagot ni Seth.

Anong amo---

Kumabog ang dibdib ko ng maamoy ko yung dugo.

"Langya!" Walang anu-ano ay agad kaming sumunod kay Boss.

Seth's POV

Huli na kami ng dating...

Wala na si Manang... patay na siya.

Naramdaman ko ang aura na nang galing kay Boss. Puno ng hinanakit at galit.

Lalo ngayong nag-init si Boss para makabawi sa mga Saguinarians.

"Boss, nasaan si Jay?" Pagtatanong ni Ken.

Wag mong sabihing nakuha si Jay ng Saguinarians?!

"Kasama si Chris, pinalipat ko na ng bahay." At tumayo si Boss at biglang umalis.

"Di nakuha si Jay? P-pero bakit?" Nagtatakang pahayag ni Ken.

Ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat. Bakit di nila kinuha si Jay kung ang pakay ng mga Saguinarians ay makuha siya?

"Ibigsabihin lang nito..." -Ken

"Hindi ang Saguinarians ang sumugod dito sa bahay." Pagpapatuloy ko.

Pero hindi rin siguro. Baka nag-iba lang sila ng plano.

"Hindi sila nagpalit ng plano..." binasa na naman niya ang isip ko. "kung sila talaga ang sumugod dito bakit hindi nila kinuha ang puso ni Manang."

Kung sabagay may punto siya. Kilala kasi ang mga Saguinarians na bampirang mahilig sa dugo ng tao. Malalaman mo rin kung kaaway kanila kapag tinanggalan nila ng puso.

Sa kaso ni Manang hindi siya tinanggalan ng puso.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, halika na." - Ken

Binuhat niya si Manang at lumakad na paalis.

---

My Cat Named LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon