Chapter 59

4 3 0
                                    

Cindy's POV

Maaga akong gumising dahil gusto kong maaga ulit makapasok at buo na rin ang isip ko na gusto kong makausap si Priam tungkol sa amin dahil umaasa pa rin ako na pwede pa naming maayos ang lahat lahat sa amin. Tanga man kung isiipin pero hindi ko na talaga kaya.

"Goodmorning, ate Margarette!" Masayang bati sakin ni Lyzette.

"Goodmorning. Bat ang aga mong gising?"

"Bakit ate? Masama bang gumising ng maaga?"

"Wala ka naman kasing pasok pero ang aga aga mong nagigising."

"Ah. Maaga kasi akong natutulog kaya maaga rin akong nagigising. Lalo na napagod ako kagabi kabubuhat ng mga basura sa labas!" Reklamo nya.

"Sorry, hindi kita natulungan. Marami kasi akong ginagawa kagabi dahil kinukuha ko lahat ang mga requirements na kulang ko,"

Pinuntahan ko kasi ang mga teacher ko kahapon dahil gusto kong makuha lahat ng mga kulang ko dahil baka makaapekto pa 'yun sa grades ko. Ayokong bumagsak.

"It's okay, ate. Naiintindihan ko naman," aniya saka sya ngumiti.

"Thank you,"

"Ano ba, ate! Maliit na bagay!"

"Oh, sige na. Hindi na ako kakain. Papasok na ako. Doon nalang ako kakain sa cafe. Sabihin mo rin kila Finn at Kazandra na maaga akong umalis. Okay?" Saad ko saka agad na akong naglakad palabas.

--

Nakarating naman ako agad sa school pero bago ako makapasok sa gate ay biglang kumalam ang sikmura ko kaya sa cafe na ako sa labas ng school dumiretso.

"Cindy!" Nagulat ako nang biglang may tumawag sakin.

"Oy, Chad!" Masayang bati ko.

"Kumusta? Long time, no see!"

"Okay naman ako. Ikaw, kumusta?"

"Ayos lang din naman. Oo nga pala, anong nangyari sayo? At- At bakit ganyan na ang itsura mo? Look at your hair! Bakit ganyan na ang gupit mo! Isa ka na bang jejemon ngayon?" Natatawang saad nya.

Hinampas ko ang braso nya kaya bigla syang napaaray. "Hindi ako jejemon! Sadyang nadepress lang ako kaya ako naging ganito. Bakit? Ayos naman ang gupit ko ah? Ang ganda kaya. Ako ang gumipit nyan!" Proud pang sabi ko.

"Maganda 'yan? Sa tingin mo maganda 'yan? Paano ka nang magugustuhan ni Priam nyan kung ganyan na ang itsura mo. Tsk, tsk. Bahala ka, baka mainlove na 'yun sa iba."

Nainlove na nga eh. Huli ka na sa balita, Chad.

"Okay lang,"

"Teka, anong okay lang? Okay lang sayo na mainlove si Priam sa iba?"

"Oo naman,"

"Oh, talaga lang ha?"

"Talagang talaga,"

"Kahit kay Kazandra?"

"Oo naman."

"Ooooh,"

"Bakit?"

"Wala lang naman,"

"Okay,"

"Nga pala ... Ang laki ng ipinayat mo! Medyo hindi kita nakilala ah. Buti nalang kilala ko ang bag mo,"

"Ano ba! 'Wag ka ngang oa dyan!" Natatawang sabi ko.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now