Chapter 14

41 17 6
                                    

"Cindy, sya ba ang boyfriend mo?" Tanong ng tita ni Cindy.

Kapwa kami natigilan ni Cindy at hindi agad nakasagot.

"Hindi po," sabay naming sagot. Nagkatinginan naman ang mama ni Cindy at ang tita nya.

"Hindi?" Takang tanong ng tita nya sa amin.

"Opo, hindi ko po sya boyfriend," sagot ni Cindy.

"She's right... po,"

Natawa ang tita ni Cindy. "Really? I thought he is your boyfriend,"

"Hindi po," sabi ko nalang.

"Nagsasabi ba sya ng totoo, Cindy?" Paniniguro samin ng tita nya.

"Opo, tita,"

"Oh, kung ganon... Pwede ko pala syang ireto dito kay Kazandra," natatawang sabi ng tota nya.

"Tita Zelle..."

"Yes, darling?"

"W-wala po,"

"Ilang taon ka na ba, iho?"

"17 po, mage-18 po,"

"Oh, great! Bagay na bagay kayo ni Kazandra,"

"Tita..." sabat ni Cindy.

"Tumahimik ka dyan, darling,"

"Tita may sasabihin po kasi ako sa inyo,"

Dahil sa sinabing 'yun ni Cindy ay bigla tuloy akong kinabahan. Maging sya ay mukhang tensiyonado. Bigla syang napalingon sa akin at sinenyasan ako na lumapit ng konti sa kanya. Kaya sumunod naman ako.

"Priam... Sorry pero kailangan ko 'tong gawin. Sumakay ka nalang," bulong nya.

Kahit naguguluhan ay tumango nalang ako sa kanya. Bahala na.

"Anong sasabihin mo, darling?"

"Ano... Ano po kase..." Hindi maituloy ni Cindy ang sasabihin nya kaya bigla tuloy akong kinabahan.

"Ano 'yon, Cindy?" Ang mama na nya ang nagtanong.

Napapikit ng mariin si Cindy. "Nanliligaw po kasi sakin si Priam," dire-diretsong sabi nya.

Bigla tuloy akong nagulat sa sinabi nya. Maging ang mga magulang nya pati narin ang tita nya.

Hindi ko akalain na 'yun ang gagawin nyang dahilan. Pero hindi ko maiwasang hindi matuwa.

"Really? James is courting you?" Gulat na tanong ng kanyang tita Zelle.

"O-opo, nanliligaw po sya sakin,"

"Totoo ba 'yon, Priam?" Takang tanong naman ng mama ni Cindy.

Naramdaman kong bigla akong siniko ni Cindy. "O-opo," bigla kong sagot.

"Kelan pa?" Naguguluhang tanong samin ng mama nya.

Si Cindy na ang sumagot. "Ah! Nung isang araw po, ma," sagot nya saka tumingin sakin at pinanlakihan ako ng mata.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now