Chapter 18

30 15 0
                                    

Note: So dito parin tayo kay Cindy HAHAHAHA oo parang flashback 'to. Para malaman lang natin kung anong nararamdaman nya nung time na 'yun. Enjoy reading!

***

"Uuwi na ako. Maggagabi na," bulong sakin ni Priam.

Nandito kasi kami ngayon sa sala dahil pumasok na kami. Mainit na rin kasi non sa terrace.

"Uuwi ka na?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya sakin.

"Magpaalam ka muna sa kanila," sabi ko.

"Sige. Bago ako umalis," sagot nya naman.

"Halika," saka kami sabay na pumunta kung nasaan nagkukwentuhan sila mama at tita. Sila naman ang pumalit sa amin dun sa terrace.

"Ma..." Tawag ko kay mama.

"Ano 'yun, Cindy?" Tanong naman nya.

"Uuwi na daw si Priam," sabi ko.

"Uwi na po ako," sabi naman ni Priam.

"Ay, ganun ba. Eh ayaw mo bang dito nalang sa amin maghapunan?" Tanong naman ni mama kay Priam.

Mukhang masama na naman ito.

"Eh hindi na po..." Hindi na natapos ni Priam ang sasabihin nya nang biglang magsalita si Tita Zelle.

"Oo nga naman, iho... Dito ka na maghapunan. Diba, Cindy?" Sabi nito sabay hawak sa braso ni Priam. Bigla tuloy umasim ang mukha ko.

Napatingin sakin si Priam. Sinenyasan ko nalang sya na pumayag nalang.

"Ah... Sige po," pagpayag nya kahit na mukhang labag sa loob nya.

"Great!" Ani 'to tsaka tumayo. "Ako na ang maghahanda ng hapunan," masayang sabi nito samin na ipinagtaka naman namin.

"What's with tita Zelle?" Tanong ko.

"I don't know, anak," sagot ni mama.

Pasimple kong pinalo si Priam sa likod. Napatingin tuloy sya sakin.

"Bakit?" Bulong nya

"Ah... Ma, pasok na ulit kami sa loob," saka ko sya hinila papasok ng bahay.

Kinaladkad ko sya papaakyat ng hagdanan. Bahala sya kahit na masaktan sya.

Agad kong inilabas ang susi ng kuwarto at mabilis na binuksan ang pinto.

"B-bakit tayo nandito?" Kinakabahang tanong nya.

'Wag kang kabahan! Wala akong gagawing masama sayo 'no!

"Dito tayo mag-uusap! Sawang sawa na ko na kada mag-uusap tayo, susulpot ang mga epal kong pinsan!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh, teka... Easy ka lang dyan. Ikaw naman ang may kasalanan. Kung hindi mo sinabi 'yon... Edi sana... Okay," natatawang sabi nya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?! Minsan talaga naiisip ko na may sira na sa ulo si Priam eh.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Natutuwa ka pa?" Angil ko sa kanya.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now