Chapter 63

3 3 0
                                    

Mabilis kaming nakatapos magligpit. Agad rin naman kaming bumaba. Medyo nagtagal lang kasi nag-ayos pa si Kazandra.

"Ambagal mo naman kasi, ate! Nandito lang naman tayo sa bahay at wala namang pupuntahan. Tapos ikaw todo paganda pa! Maganda ka na! Jusko," ani Lyzette.

"Kahit na! Baka mamaya yayain nya akong lumabas. Atleast ready na ako diba," sagot naman ni Kazandra.

Samantalang ako, nandito lang at nakasunod lang ng tingin sa kanila kanina sa kuwarto. Wala naman na kasi akong pake sa itsura ko. Wala naman nang nagkakagusto sakin. Ayos na 'yon.

Pagkababa namin ay nadatnan namin sila Priam at Finn sa sala na magkausap.

Agad na tumayo ang dalawa nang makita na nila kami na papalapit sa kanila.

"James ..." Ani Kazandra nang magkatapat na sila. Umiwas naman ako ng tingin.

Sadyang ayoko lang makatinginan si Priam. Hindi pa rin kami babalik sa dati kahit na hindi pa rin ako nakakamove on sa kanya.

"Babe ..." Bati ni Priam kay Kazandra kaya mas lalo akong napayuko sa aking kinauupuan.

"Why are you here, babe?"

"Just wanna see you,"

Natawa si Kaz. "You miss me that much?"

"Yeah,"

"So-"

"May lakad ba kayo mga anak?" Biglang singit ni tita Zelle kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Um, opo sana. Bakit po? May- May lakad po ba kayo?" Tanong ni Priam.

"Wala naman, hijo. Naninigurado lang ako. Osiya, kung may lakad man kayo ni Moris eh pinapayagan ko na kayo. Basta mag-iingat kayo, ha?" Ani tita saka tumango sa amin at umalis na ulit.

"Ipagpapaalam sana kita kaso pumayag na pala si tita," nahihiyang saad ni Priam saka sya sumulyap sakin. Nagkunwari naman ako na hindi ko 'yon nakita.

"So aalis na tayo?" Mahihimigan ang excitement ni Kazandra.

"Yes. Let's go?" Aniya saka inoffer ang braso nya kay Kazandra.

Agad namang hinawakan ni Kazandra ang braso ni Priam at bumaling sya samin ni Lyzette na nakaupo lang sa sofa.

"Cindy, Lyzette, alis na ako ha?" Paalam nya sa amin.

Sabay naman kaming tumango. "Ingat,"

Agad na silang lumabas na dalawa at si Finn ang naghatid sa kanila sa gate.

"Buti nalang pala at nag-ayos si ate. Malakas talaga ang pakiramdam non. Aalis nga sila," bulong sakin ni Lyzette.

"Oo nga,"

"Nga pala. May napapansin ako ..."

"Ano na naman 'yang bata ka? Lagi ka nalang may napapansin. Kinakabahan na ako sayo," natatawang sabi ko saka mahina syang tinapik sa kamay.

"Hindi kasi!"

"Oh, eh ano nga?"

"Napapansin ko lang kasi. Laging pasulyap sulyap sayo si kuya Priam! Oy, ate ah! Baka akalain mo eh gumagawa lang ako ng kwento para paasahin ka ah! Hindi. Nakita ko lang kase kanina. Syempre 'wag kang aasa. Sinabi ko lang sayo para aware ka. Pero 'wag kang aasa ah? Masama 'yon," aniya saka sya tumawa.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now