Chapter 33

22 7 0
                                    

Kazandra's POV

Ngayon na alam ko na na hindi talaga nililigawan ni James si Cindy. Pwede ko nang gawin ang mga plano ko!

Una palang na dumating kami dito, nararamdaman ko na talaga na hindi nga nanliligaw sa kanya si James.

Hindi ko alam kung bakit sinabi 'yun ni Cindy nang sabihin ni mommy na irereto sakin si James. May nararamdaman din akong kakaiba sa kanya.

Feeling ko talaga, may gusto talaga si Cindy kay James, hindi lang nya sinasabi. Pero kahit na! Kailangan ko syang maunahan. Sakin mapupunta si James! Sakin lang!

Ngayon na may camping daw kami, mukhang magiging masaya 'to! Kasi magagawa ko kung ano ang mga gusto kong gawin.

Hinihintay namin na dumating ngayon si James, dahil nga sabay sabay daw kaming lima na dadaanan. Wala pa sya.

Habang wala pa sya ay inabala ko muna ang sarili ko. Inilabas ko ang aking cellphone.

Nang marinig ko na may tumatakbo papunta sa amin ay agad ko nang itinago ang cellphone ko. Alam ko naman na kung sino 'yon.

Nang dumating na ang bus ay agad na kaming sumakay. Bumuntot ako kay James para incase na maupo sya ay dun na ako agad mauupo. Hindi sila pwedeng magtabi ni Cindy.

Naupo na agad si James sa bakanteng upuan sa unahan. Dun nalang kasi 'yung bakante. Mas nauuna kasing mapuno ang bandang likod eh.

Pagkaupo nya ay agad akong naupo. Si Cindy naman ay dun naupo sa likuran namin. Katabi nya si Chad. Tapos si Kuya naman, nasa tapat namin. Sya lang mag-isa.

Hindi naman talaga ako inaantok ngayon pero sasadyain ko talaga na humikab ngayon para akalain ni James na inaantok talaga ako. Lalo na ngayon, nakahalukipkip na sya at mukhang tulog na.

Nang masiguro kong tulog na nga talaga sya, saka ako sumadal sa kanya. Syempre dapat dahan dahan para kunyari eh inaantok na talaga ako. Hindi ko na iintindihin si Cindy. Kahit na makita nya.

Bigla akong inantok nang nakasandal na ako sa kanya. Feeling ko tuloy, magjowa na kami hihi. Ano kayang feeling?

Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako. Masyado ko namang naenjoy.

"Oh, pre? Ano bang ginagawa nyo dyan?" Rinig kong sabi ni Chad.

"Ano bang ginagawa na naman?"

"Ikaw ah. Duma-the moves ka,"

Gusto ko sanang matawa sa sinabing 'yun ni Chad kay James. Hindi nya alam na ako talaga 'yon. Mali sya.

"Anong duma-the moves ka dyan? Di ko nga alam na nakatulog pala sakin 'to,"

"Ah. Joke lang pre. Sige na, gisingin mo na 'yan. Nandito na tayo,"

"Mabuti pa nga,"

"Kazandra... Gising na. Nandito na tayo," ani James saka nya tinapik tapik 'yung pisngi ko.

Mukhang mag-eenjoy pa ako dito ah. Dahil don ay nagkunwari pa akong mahimbing ang tulog.

"Hmm..."

"Bangon na. Bababa na,"

"Hmm..."

"Bilis na. Namamanhid na rin ang paa ko..."

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now