Chapter 68

4 1 0
                                    

Cindy's POV

Nag-aalala na ako ngayon dahil bukas na ang birthday ni Priam at nandito kami ngayon sa Canada. Hindi ko alam kung paano ang gagawin.

Iniisip ko kung anong dapat kong gawin eh pwede ko naman syang batiin ng simpleng happy birthday bukas?

Iniisip ko rin kung paano ko sya kakausapin dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Naiilang ako kapag kasama ko sya at mas lalong hindi na ako makakilos ng maayos kagaya ng dati na masyadong palagay ang loob ko sa kanya at hindi ko naiisip ang mga ganitong bagay.

"Ano na namang iniisip mo dyan?" Gulat akong napatingin kay Lyzette.

"Wala naman,"

"Mukhang malalim ang iniisip mo dyan ah,"

"Halika nga. Tara sa kuwarto at sasabihin ko sayo," yaya ko sa kanya at agad naman kamint tumaas.

"Okay, ano 'yon?"

"Bukas na kasi ang birthday ni Priam. Iniisip ko kung ano bang mararamdaman nya dahil wala kaming lahat sa birthday nya. At mas lalong ako, wala ako. Gusto kong makasama sya sa araw ng birthday nya." Paliwanag ko. Sana naman maintindihan nya ako ngayon.

"Eh paano nga ang gagawin natin eh nandito nga tayo ngayon sa canada," aniya saka sya nagcross arms.

"Yun na nga eh. Hindi ko alam ang gagawin."

"Saka ... Anong bukas? Mamaya na ang birthday nya dahil nauuna sila ng oras kesa sa atin. Gabi palang dito, umaga na don 'no. Baka nga madaling araw na sa kanila ngayon eh,"

"Oo nga pala!" Saad ko.

Dahil sa sinabi ni Lyzette ay dali dali ko nang kinuha ang cellphone ko para icheck kung anong oras na dahil nakatime pa rin naman ang cellphone ko sa Pilipinas.

Hapon na ngayon sa amin at malapit nang gumabi. Sa tingin ko ay 4pm na ng hapon dito. So anong oras na kaya sa kanila?

"Madaling araw na nga sa kanila ngayon kaya kung ako sayo, batiin mo na si kuya Priam dahil birthday na nya ngayon don,"

"Sige na nga,"

Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob ko na magtipa ng sasabihin.

To James Priam:
Happy happy birthday! <33

Sent!

'Yan lang ang sinabi ko pero kabadong kabado pa akong isend. Pero naglakas loob talaga ako na isend 'yon.

Pero wala pang ilang minuto ay agad na nyang nabasa 'yon. Pinatay ko muna tuloy ang wifi ng cellphone ko para hindi nya makita at mahalata na hinihintay ko talaga ang reply nya.

"Oh, nabati mo na sya? Anong sinabi mo?"

"Wala naman na akong sinabi na iba. Binati ko lang sya ng happy birthday. 'Yun lang,"

"Ano? 'Yun lang?"

"Oo, bakit? Ano pa ba ang dapat kong sabihin?" Takang tanong ko.

"Tsk. Ang hindi mo talaga, para kang si ate. Hay naku!"

"Bakit ba? Nabati ko na nga ah? Nabati ko na, tapos na. Okay na 'yon,"

"Hay, ni hindi ka manlang ba nagsorry? O kaya sinabi mo na pinapatawad mo na sya? O kaya naman sinabi mo sanang miss mo na s-"

Oo nga 'no? Bakit ba hindi ko naisip 'yon? May silbi din talaga 'tong si Lyzette minsan.

"Oo nga, sige salamat sa paalala," putol ko sa kanya.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now