Chapter 8

52 16 0
                                    

Pinag-iisipan kong mabuti kung dapat na ba akong sumuko.

Pero hindi pa nga ako naguumpisa, susuko na agad ako? Maging ako ay naguguluhan kung ano ba ang dapat kong gawin.

Siguro ay kailangan ko muling subukan na makausap sya at makahingi ng tawad. Kapag nalang siguro may nangyari nalang na hindi inaasahan, dun nalang siguro ako hihinto.

Nandito ako ngayon kila Chad dahil gumagawa kami ng group work. Sayang lang at hindi ko ngayon kagrupo si Cindy.

Matapos naming gawin ang aming group work ay umuwi nang isa isa ang mga kaklase namin. Kami nalang ni Chad ang naiwan sa bahay nila.

"Oh, Priam? Hindi ka pa ba uuwi?" Takang tanong sakin ng mama ni Chad.

"Hindi pa ho,"

"Ay, eh ganun ba," ngumiti nalang ako.

"Ano na, pre? Nagawa mo na ba?" Bungad ni Chad.

"Gagawin ko na sana nung isang araw kaso nga lang eh may nangyari kasi eh,"

"Ano?"

"Inaabangan ko na si Cindy na lumabas sa classroom namin kaso nga lang una nyang nakita sila Chandler eh," paliwanag ko. Gumuhit ang lungkot sa aking mukha.

"Tsk. Tsk. Napag-uunahan ka na pre," saka sya umiling-iling.

"What do you mean? Napag-uunahan?" Takang tanong ko.

"Hay nako, pre. Hindi ka ba nakakahalata?"

Ng ano?

"Huh?"

"Mukhang may gusto 'yong si Chandler kay Cindy eh," nagulat ako sa sinabi nya.

Posible kaya?

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko.

"Sa tingin ko... Oo. Kasi syempre, lalaki tayo pre. Alam natin ang galawan ng isa't isa," aniya saka sya tumawa.

Bigla tuloy akong nabahala sa sinabi nya.
Kailangan makuha ko ulit ang atensyon ni Cindy dahil ako ang nauna.

"Sige, pre," sabi ko saka tinapik ang balikat nya.

Tumango sya. "Sige, pre. Basta ha. 'Wag mong kakalimutan," paalala nya.

***

Pagdating ko sa bahay ay wala akong ginawa kundi isipin kung paano ko makukuha ulit ang atensyon ni Cindy.

Hindi ngayon ang tamang oras para sumuko. Lalo na't mukhang mayroon pa akong magiging kalaban sa puso nya.

Paano ko kaya sya makakausap?

***

Tinanghali ako ng gising kinabukasan dahil napuyat ako sa aking pag-iisip.

"Oh, kuya? Late ka yata ngayon? Hindi pa kita nakitang nalate sa pagpasok sa school," ani Janna.

Totoo. Totoong hindi ako nalelate sa pagpasok dahil nga lagi kong kasabay si Cindy sa pagpasok araw araw. Ayokong naghihintay sya ng matagal kaya gusto kong ako lagi ang nauuna sa kanya. Lalo na't maikli pa naman ang pasensya ng babae na 'yun.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now