Chapter 46

16 6 0
                                    

NOTE: Listen to the song "Love in the Dark" by Leroy Sanchez for feels.

Priam's POV

Ngayon ang birthday ni Chandler at pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to dahil alam ko na kasama din si Cindy. Syempre, para maging pogi ako sa harap nya.

Matapos kong gumayak ay agad na akong lumabas ng bahay para kapag dadaanan na nila ako ay nakalabas na ako at makaalis na kami agad.

Nang makita ko palang si Cindy ay parang mas lalo tuloy akong nainlove sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang dress. Hindi ko alam kung kaya lang ako nagagandahan ay baka dahil ngayon ko lang sya nakitang magsuot ng ganon.

Nakita ko rin si Kazandra at maganda rin sya sa suot nyang yellow dress at ang pagkakapusod nya. Pero hindi ko talaga maialis ang tingin ko ngayon kay Cindy.

Iniisip ko rin kagabi kung ngayon ko na talaga aaminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Gusto kong ipaalam sa kanya. Hindi 'yung idinadaan ko lang sa biro. Kasi gusto ko ngayon eh 'yung totoo na. Hahanap lang ako tiyempo kapag mag-isa nalang si Cindy.

Nang nakila Chandler na kami ay agad na kaming naupo sa table na nakalaan sa amin. Katabi ko ngayon si Cindy sa kanan ko at si Kazandra naman sa kaliwa.

"I like your dress..." bulalas ko kaya napalingon naman sakin si Cindy.

"Gusto mo sayo nalang?"

"Mukha ba akong bakla?"

"Oo,"

"Ano? Bawiin mo ang sinabi mo."

"Ayoko,"

"Cindy..."

"Ayoko."

"Edi 'wag." Inis na sabi ko saka ako nag-cross arms at bumaling sa iba.

"Talaga,"

"Tss,"

Nang kumakain na kami ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Cindy kasi ibang iba talaga sya ngayon. Naging mahinhin sya.

Gusto ko mang tumawa sa isiping 'yon ay di ko magawa dahil baka akalain eh baliw na ako at tumatawa ako mag-isa.

Pagkatapos namin kumain ay tahimik na kami ngayong nakaupo sa aming mesa at nakatingin sa harapan at sa mga ibang bisita.

Pwede kaya akong makapag-girl hunting dito?

"Cindy..." Tawag ko.

"Ano na naman?"

"Pwede kaya akong makapang-girl hunting dito?"

"Edi mag-girl hunting ka. Walang pumipigil sayo."

"Okay. Tulungan mo ko ha. Diba nagkaroon ka na rin naman ng jowang babae noon?"

"How did you know that?" Masama na ang tingin nya sakin ngayon.

"Secret,"

"Tell me."

"You want me to tell you a secret?"

Tama 'yan, Cindy. Kumagat ka. Pumayag ka na. Eto na ang pagkakataon ko para masabi sayo.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now