Chapter 69

7 1 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pagkatapos kong magtalukbong ng kumot kagabi. Maaga akong nagising ngayon. Tulog pa si Lyzette sa tabi ko.

Dahan dahan akong bumangon para hindi nya mamalayan na gising na ako. Dahan dahan kong tinanggal ang kumot at tumayo.

Success!

Nakaalis na ako sa kama. Humarap muna ako sa salamin para tignan ang sarili ko.

Lalabas na sana ako sa kuwarto nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ate Marg,"

Agad akong napalingon at bumungad sakin ang mukha ni Lyzette na gising na at naghihikab.

"What?"

"May gusto lang sana akong ipaalala sayo," aniya saka sya ngumiti ng nakakainis.

"Ano na naman 'yan? Umagang umaga ah," saad ko saka ako nagpamewang.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na nandito na rin si kuya Priam kung nasaan tayo ngayon," nakangising saad nya.

Bigla ko na naman tuloy naalala ang lahat ng nangyari kahapon at parang mamamatay na ako sa kahihiyan. Agad kong tinakpan ng palad ko ang aking mukha saka agad na tumalon sa kama.

"Easy ka lang, ate!" Natatawang saad nya.

"Nakakainis ka! Pinaalala mo na naman! Nakalimutan ko na nga 'yan eh," asik ko sa kanya saka ko sya sinamaan ng tingin.

"Bakit? Buti nga pinaalala ko sayo kaya kinikilig ka na naman ngayon,"

"Hoy hindi ah! Mas lalo lang tuloy akong naiilang dahil naiisip ko na baka pagbukas ko ng pinto, nandyan sya sa labas!"

Tumayo na ako at nagpasiya nang lumabas. Pero nang pagbukas ko ng pinto ay tama nga ang hinala ko.

Nasa labas nga sya ng pinto at nakangiting sumalubong sakin!!!

"Goodmorning," masayang bati nya.

Tumalikod agad ako at akmang papasok na ulit sa kuwarto nang makita ko na nasa likod ko si Lyzette.

"Oh, saan ka pupunta, ate?" Natatawang saad nya kaya humarap ako ulit.

Inalis ko ang ano mang reaksyon saka mukha ko saka hinarap sya.

"Anong kailangan mo?" Cool na tanong ko sa kanya para itago ang kaba ko.

"Kailangan agad? Hindi ba pwede gusto lang kitang makita agad sa umaga?"

"Hindi oras ngayon para bumanat. Kaaga aga, inuumay mo ko." Kunwaring walang pakealam na saad ko saka ko sya nilagpasan.

"Ang mean mo, ate!" Habol ni Lyzette.

Mabilis akong bumaba ng hagdan para makaalis na sa don at hindi ko na makaharap pa si Priam.

"Oh, Cindy! Goodmorning!" Masayang bati ni Kazandra sakin pagbaba namin.

"Goodmorning,"

"So how's your sleep?"

"Good."

"Oh, okay. What about you, Lyzette?"

"Walang maganda sa tulog ko,"

"Okay." Aniya saka sya umirap.

"Where is my coffee?" Ani Lyzette.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now