Chapter 15

31 17 1
                                    

Oras na ngayon para umuwi. Malapit nang maggabi. Baka hanapin na rin ako samin.

"Uuwi na ako. Maggagabi na," bulong ko kay Cindy.

Nandito kasi kami ngayon sa sala dahil pumasok na kami. Mainit na rin kasi non sa terrace.

"Uuwi ka na?" Tumango naman ako sa kanya.

"Magpaalam ka muna sa kanila," aniya.

"Sige. Bago ako umalis,"

"Halika," saka kami sabay na pumunta kung nasaan nagkukwentuhan ang kanya mama at tita. Sila naman ang pumalit sa amin dun sa terrace.

"Ma..." Tawag ni Cindy.

"Ano 'yun, Cindy?"

"Uuwi na daw si Priam,"

"Uwi na po ako,"

"Ay, ganun ba. Eh ayaw mo bang dito nalang sa amin maghapunan?" Tanong sakin ng mama ni Cindy.

Mukhang masama na naman ito.

"Eh hindi na po..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang tita ni Cindy.

"Oo nga naman, iho... Dito ka na maghapunan. Diba, Cindy?" Sabi nito sabay hawak sa braso ko.

Napatingin ako sa kanya. Sinenyasan nalang nya ako na pumayag nalang.

"Ah... Sige po," pagpayag ko kahit na labag sa loob ko.

"Great!" Ani 'to tsaka tumayo. "Ako na ang maghahanda ng hapunan," masayang sabi nito samin na ipinagtaka naman nila Cindy.

"What's with tita Zelle?" Tanong ni Cindy.

"I don't know, anak,"

Pasimple akong pinalo ni Cindy sa aking likuran. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Bakit?" Bulong ko.

"Ah... Ma, pasok na ulit kami sa loob," saka ako hinila ni Cindy papasok ng bahay.

Hila hila nya parin ako paakyat ng hagdanan. Ano bang problema nito? Kung makahatak naman parang masisira na damit ko.

Inilabas nya agad ang susi ng kuwarto at mabilis na binuksan ang pinto.

Teka? Bakit kami papasok sa kuwarto? Don't tell me... May masamang binabalak sakin si Cindy?

"B-bakit tayo nandito?"

"Dito tayo mag-uusap! Sawang sawa na ko na kada mag-uusap tayo, susulpot ang mga epal kong pinsan!" Sigaw nya.

"Oh, teka... Easy ka lang dyan. Ikaw naman ang may kasalanan. Kung hindi mo sinabi 'yon... Edi sana... Okay," natatawang sabi ko.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Natutuwa ka pa?" Angil nya.

"Yes. No, I mean... No," natatawang sabi ko.

Nangunot naman ang noo nya. "Anong yes?! Baka gusto mong makatikim dyan!?" Sigaw nya sabay amba sakin.

Agad akong napaiwas. "Ikaw naman... Ang init ng ulo mo," napapailing na sabi ko.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now