Chapter 67

4 1 0
                                    

Nakagayak na kaming lahat para sa flight namin maya maya. Nakaready na rin ang mga gamit namin sa labas. Kami pa tuloy ang nagbuhat ng mga bagahe namin dahil wala manlang lalaki dito dahil wala si kuya.

Hay, kainis!

Hinihintay nalang namin ang sasakyan naming taxi papunta doon sa airport.

"Ma, pupunta lang po kami ni ate Cindy sa bahay nila Janna kasi gusto ko pong makapagpaalam muna sa kanya bago po tayo umalis," paalam ni Lyzette.

"Oo naman, sige. Pero basta 'wag kayong masyadong magtatagal doon dahil baka dumating na rin ang taxi. Okay?"

"Okay po! Halika na, ate Marg!" Aniya saka nagtatakbo na silang dalawa.

Naiwan naman akong mag-isa ngayon dito dahil nag-alisan naman silang lahat. Ang tagal tagal naman kasi nung sinasabi nila mama na taxi! Pawis na pawis na ako dito! Siguradong haggard na haggard na ngayon ang itsura ko kumpara kanina. Psh.

Maya maya ay bumalik na rin si Cindy at Lyzette. May kasama na rin ako dito sa wakas.

"Hindi na talaga sasama si kuya?"

"Oo daw eh,"

"Bakit daw?"

"Hmp! Ewan ko ba don! Di ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak!" Inis na sabi ko.

"Nasaan kaya sya ngayon 'no?"

"Nandyan lang 'yun. Nagtext naman sya sakin kagabi na nasa mabuting kalagayan naman daw sya kaya 'wag tayong mag-alala," paliwanag ko para hindi na rin sila mag-alala kay kuya.

"Ano ba naman kasi 'yang si kuya! Kung kelan aalis tayo, saka naman sya wala ngayon!"

"Kaya nga eh ..."

"Okay, nandito na ang taxi!" Masayang saad ni Lyzette.

Dumating na ang taxi na sasakyan namin papuntang airport. Agad na naming isinakay sa likod ng kotse ang mga gamit namin. Lima lang kaming aalis ngayon dahil nga wala si kuya.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng konti at nandito na kami. Bumaba na ako para kunin ang mga gamit ko.

"Canada, here I come!" Sigaw ni Lyzette.

Naglakad na kami papunta sa loob. Sa sandaling panahon ay kalilimutan ko muna ang Pilipinas. Pati na rin lahat ng sakit na nakuha ko dito kahit panandalian lang.

--

Nang makasakay kami sa loob ng eroplano ay todo picture na kami doon para may pang-story kami sa instagram at facebook.

"Selfie tayo," rinig kong saad ni Lyzette dahil nasa likod ko lang sila.

Sila ang magkatabi ni Cindy. Ibang tao ang katabi ko ngayon dito kaya ako inis na inis. Dapat kaming dalawa ni Lyzette ang magkatabi dahil kapatid ko sya pero dun sya naupo sa tabi ni Cindy. Tss, kainis talaga!

Ako nalang tuloy mag-isa ang nagselfie at agad ko itong ini-story sa instagram.

Maya maya ay nagulat ako nang maraming nagchachat sa akin. Puro mga kaklase ko na nagsasabi ng "ingat" at "sanaol". Lahat sila ay nireplyan ko ng salamat.

Ang iba ko ring mayayaman na kaklase ay mga maga-out of town din gaya namin. Pero meron namang iba na pupunta lang sa probinsya at doon magbabakasyon.

Itatago ko na sana ang cellphone ko nang biglang tumunog ito at may nagchat.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now