Chapter 10

38 18 2
                                    

Note: Namiss kong gumawa ng POV ng babae kaya gagawan ko muna si Cindy. Para malaman natin ang kanyang mga saloobin. Enjoy reading!

***

Cindy's POV

Nagising ako nang maramdaman na merong sumusundot sundot sa pisngi ko.

Ano ba naman 'yan! Ang epal epal. Kitang natutulog 'yung tao.

Pinabayaan ko lang ito at ipinagpatuloy ang aking pagtulog. Bahala ka man kung sino ka.

Hindi parin sya tumitigil sa pagsundot sa pisngi ko. Naiinis na ko ha.

Inis akong nagmulat at mas lalo yata akong nainis nang makita ko kung sino ito. Si Priam.

Nagulat din sya sa bigla kong pagmulat.

"Buti naman at nagising ka na," aniya.

"Epal ka rin 'no?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ako pa talaga ang epal? Buti nga ginigising kita. Nandito kaya tayo ngayon sa school at magkaklase na," angil nya sakin.

What?! Nasa school kami?! Akala ko nasa bahay lang ako!

Bigla akong natahimik at hindi ako nakapagsalita. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakakainis naman kasi si Chandler kagabi, gabing gabi na, chat pa ng chat. Napuyat tuloy ako.

Hindi na ako sumagot kay Priam at dali-daling inayos ang sarili. Baka tulo laway pa ako.

Habang nagkaklase ay nahuhuli kong patingin-tingin sakin si Priam.

Hindi nya ba alam na nahuhuli ko sya? Tss.

Medyo naiilang na ako sa kanya kaya binigyan ko sya ng nakakainis na tingin. Natawa naman sya.

"Bumabalik ka na sa dating ikaw, bati na tayo?"  Takang tanong nya.

Hindi.

Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay ibinaling ko nalang ang aking paningin sa aming teacher.

Bahala ka dyan. Manigas ka.

"Cindy... Bati na ba tayo?" Pabulong na tanong nya. Mas pinili ko nalang na hindi sya lingunin.

"Cindy..." Tawag nya pa.

Ang kulit mo rin e, 'no?

"Cindy..." Tawag nya pa ulit.

Dahil sa naririndi na ko sa katatawag nya sakin ay inis ko syang nilingon.

"Bati na tayo, diba?" Pangungulit nya.

Pag di ako nakapagpigil, baka pukpukin ko nalang ng notebook 'to.

"Okay, I'll take that as a yes," aniya.

Anong yes, yes ka pa dyan?!

"Wala pa akong sinasabi," nauubos na ang pasensya ko dito.

"So ano nga? Bati na tayo?" Saka sya nagpuppy eyes.

Hindi! Hindi mo ko makukuha sa mga ganyan ganyan mo, Priam.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now