章 2

142 3 0
                                    


Jaxon continued his set up for the whole week; disturbing me, buying me bars of Hershey's everytime he saw me studying, spend time with his friends during lunch time, study and read with me, studying my face everytime I study, and his Basketball trainings. Even though, he's so busy with his training, he always finds a way to annoy and spend his time with me.


I find it weird but I find it cute a bit. Sobrang bit! Mga 1% lang siguro. I didn't expect na may ganito pa palang lalaki sa mundo. Kahit ilang beses mo nang i-reject at ipagtabuyan, hindi ka titigilan. We can say that Jaxon is a real deal. That's a fact. Isa siya sa mga favorite ni Lord, ayon talaga ang masasabi ko.


"Are you okay?" Jaxon asked as he sat down on his seat beside me. "Hershey's," He placed a bar on my table again. Pakiramdam ko tataba na talaga ako sa kakapakain niya sa akin ng Hershey's! "Bakit? Ano 'yon? Sabi ko sa'yo, okay lang naman recit mo kanina a'? Hindi ka pa prepare sa lagay na 'yan ha! Ang galing kaya!" He tried to cheer me up.


"I don't get that kind of recits, ngayon lang." I sighed and pouted while looking at the Hershey's bar on my table. "Hindi ako prepared! Hindi ko naman kasi alam na may recitation! Ang akala ko, quiz!" I shook my head out of madness. Hindi ako na-inform nang maayos dahil umuwi ako nang maaga kahapon!


"Accept mo na kasi friend request ko, para update kita everytime!" Jaxon clapped his hands and that made me jump a bit from my sit. I glared at him, umayos naman siya nang upo at humarap siya sa akin. "Promise, I'll update you everytime." He looked straight into my eyes and he smiled a bit.


Sa lahat ng bagay talaga, he always finds a way to flirt!


"Ikaw pa? Busy ka sa training," My forehead creases, thinking. Iniisip ko kung anong palusot na naman ang sasabihin niya sa akin!


"Atleast alam ko mga nangyayari?" He raised his brows and crossed his arms in front of me. Ang yabang! "Accept mo friend request ko sa Facebook, kung ayaw mo naman uhm..." He held his chin and acted like he's thinking so deep! Talaga naman, Jaxon. Napakakulit. "May I have your number?" He smiled like a dog, he even poked my waist. Napaurong tuloy ako.


I rolled my eyes and opened my book. "Ang dami mong pakulo, bahala ka diyan. Andiyan naman si Trinity," I glared at him again.


"Nako, galit na naman ang baby ko sa akin!" He chuckled. "Sorry na nga, oo na, hindi na kita kukulitin..." Sabi niya naman. Napangiti naman ako duon dahil hindi niya raw ako kukulitin ngayong araw e'! "Sa pag-accept mo sa friend request ko!" He added and laughed a bit. 


My smile changed into a frown. "Ewan ko sa'yo, Jaxon." I shook my head as I started reading. 


During lunch time, I ate lunch with Trinity as usual. Wala akong Jaxon na nakitang umaaligid sa akin. Maybe, he's having his lunch with his friends. Pero, bakit ba? Bakit ko ba hinahanap 'yong mokong na 'yon? Hindi lang siguro ako sanay na tahimik paligid ko. It's a sign na wala siya. 


"Is anyone sitting here?" 


Agad namang napatingin ang tingin ko duon sa nagtanong, kumakain ako e'! Nasan na ba kasi si Trinity? Ang tagal bumili ng pagkain.

Books, Coffee, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon