章 16

97 1 0
                                    


"Pupunta kayo?"


Leia asked while we're having lunch, tatlo lang kami ngayon. Wala naman si Javier dahil ayaw niya raw sumama tapos si Jaxon, mas nagbibigay na ng oras ngayon dahil hindi naman daw siya ganoon kabusy. Kayang kaya niya na raw akong bigyan ng oras. Ewan ko ba kung kailan lilipas 'yong selos niya kay Javier. Hindi na sila batang dalawa.


"Saan?" Jaxon asked.


"Foundation day," Leia shrugged. "Parang ang ewan pero parang gusto ko maghanap ng Frat boys? Mga walking red flag pero mga pogi naman sila." She chuckled, kinilig pa ang gaga. "Kung iiyak din naman tayo, duon na tayo sa pogi no!"


I was about to drink coffee but Jaxon immediately pulled it from my hand kaya napakunot naman nang sobra ang ulo ko. "Not allowed." Jaxon said. "1 week pa lang simula nung kakalabas mo sa Hosp, 'wag kang pasaway." He told me but he isn't mad. He's just concerned. Ever since pala non hindi na 'ko nilalapitan ni Javier, hindi tuloy kami nakapag-ice cream!


"Okay," I rolled my eyes and pouted. "Anyway, is Javier going?" I asked.


"Maybe? Ewan e', hindi ko pa nakakausap ulit 'yun! Nagalit dahil nilaglag ko raw siya na ginawa niya mga assignment mo at pinasa niya!" Leia shook her head. "He's so weird," 


"He is," Sabay naming sagot ni Jaxon, nagkatingin pa kami at parehas lang din kaming napailing na dalawa.


"Yeah, ewan ko ba. Sa mga Hidalgo niya ata nakuha 'yung pagkaweirdo niya." Leia laughed. "Bigla biglang hindi namamansin, amp! Weird!" She shook her head again out of disappointment. 


Baka naman kasi may problema si Javier? Tanungin ko ba siya? Lagi siyang ganon sa akin kapag nakakapansin siya ng mali. Parang nababasa niya ako, ang galing! Pero weird din dahil parang ino-obserbahan niya 'ko!


"Palibhasa De Marco ka," Jaxon chuckled.


"De Agosto De Marco," Leia corrected Jaxon and quickly stick out her tongue before eating her rice again. 


Pagkatapos naming maglunch ay hinatid naman kami ni Jaxon hanggang sa room namin at binigyan ako ng halik sa noo, may kasabay pang do your works well and pray bago siya umalis at pumunta ng building nila. Nabasbasan na naman ako ni Saint Jaxon. 


"Hi," I smiled at Javier. Akala ko makakakuha ako ng hello sa kaniya but he just game me a small smile. Parang pilit pa. 


Agad naman siyang bumalik sa binabasa niya, bakit parang lahat abala sa pagbabasa ngayon? Nakakapanibago. Parang dati, buong classroom ay maingay. May mga naglalaro, may mga nagcecellphone, may mga nag-aasaran, may mga kumakain, nagkekwentuhan. Ganon. Pero ngayon, ang tahimik nila. Lahat abalang magbasa.


"Javier," I called his attention. Ayaw ko ng ganon e', 'yong hindi ako kinakausap. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Nakakatanga lang. Kaibigan ko kasi 'yun e'! He just looked at me, halatang nag-aantay ng susunod kong sasabihin.

Books, Coffee, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon