章 11

97 1 0
                                    


"My love, in Science, is it true that babies have around 100 more bones than adults? Nabasa ko lang sa Science Facts!"


Jaxon asked after he sipped on his coffee, we decided to have a coffee date today since naging busy siya these past days sa trainings niya at next week na ang pasukan namin dito sa UP. Ilang weeks lang 'yong training, pero kita ko na mas lumaki 'yong bisceps niya nang bahagya lang naman. He closed his book and looked at me seriously. Inayos ko ang salamin ko at bumuntong-hininga bago ko siya sagutin.


"Yes, my love." I pursed my lips and nodded. "It's because babies has about 300 bones at birth including cartilage between many of them. With this, greater flexibility allows them to move through the birth canal and grow quickly. Maraming bones ang kasama during maturing stage, producing an average adult skeleton with 206 bones." I explained.


Jaxon's lips parted as he clapped his hands, agad namang kumunot ang noo ko dahil nasa coffee shop kami tapos nag-iingay siya! "Bravo! Ang galing! Ang galing!" Napailing pa habang pumapalakpak.


"Jax, nasa coffee shop tayo, please lang." I sighed and shook my head.


"Sorry," He chuckled. "Natanong ko lang, nakita ko sa Science Facts e'! Possible pala 'yon! Ikaw? May tanong ka ba? So I can help you," Sabi niya sa akin habang tinitingnan 'yong sinasagutan kong Math problem! Kanina pa kasi ako dito, natatanga na talaga ako! 1st year college na 'ko next year, pero ang tanga tanga ko pa rin talaga!


"Can I see?" He stood up and sat beside me. 'Yong isa niyang braso ay nakapatong sa upuan ko, kaya ramdam ko 'yon sa may likod ko. Habang 'yong isa ay hawak-hawak niya 'yong notebook ko at inaanalyze niya 'yong tanong. "Supposed to be, here is the X and the Y should be the answer of this one," Nag-iikot ikot siya ng kung ano-ano sa notebook ko pero hindi ko maintindihan dahil dumagdag pa 'yong kapogian niya! "Baby, listen to me. I'm explaining this to you." He softly said. Naramdaman sigurong nakatitig ako sa mukha niya.


"Sorry," I chuckled and pursed my lips. Nakakahiya naman ako! Nag-eeffort siyang magturo tapos ako puro titig lang sa kaniya! Ang pogi niya kasi at napapansin kong nagmamature na ang itsura niya!


"Gets?" He placed the pen down and looked at me so I looked at him too. "Baby, gets?" He leaned a bit and looked straight into my eyes.


"Ang pogi mo," I pouted and caressed his face. Agad naman siyang umiwas ng tingin habang nakangiti. Kinilig na naman sa akin si Jaxon! "Ang yaman mo rin," I teased. Agad namang bumalik ang tingin niya sa akin, masama na ang tingin niya.


He hissed. "Don't call me mayaman nga diba? Nakakaoffend kasi," Iritado niyang sagot sa akin, kaya ako tawa naman ako nang tawa! "What's funny?" He glared at me before he sipped on his coffee.


"Ikaw lang kasi talaga 'yong kilala ko na pag tinawag na mayaman ay mao-offend," I laughed.


"Ewan ko sa'yo," He slightly rolled his eyes. "Mag-aral na nga lang tayo," Hinila niya 'yong reviewer niya at nagsimula na namang magbasa.


After studying in a coffee shop inside UP, umupo naman kami sa may Sunken para lang panuorin bumaba 'yong araw. I was resting head on Jaxon's shoulder with our hands intertwined together.

Books, Coffee, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon