章 13

84 2 0
                                    


"3 more games til' the finals!"


I hugged Jaxon after winning his 2nd game! Nasa luob pa rin kami ng arena at literal na katatapos lang ng laro nila, kakaannounced lang at tumakbo na naman siya rito para yakapin ako.


"I'll see you later," He patted my head and kissed the top of it. 


"Wait, 'yong-" I was about to hand him the box of his favorite buchi but he ran away towards his teammates again. Celebrating their victory. Napangiti na lang ako, iniisip ko na sana mag MVP siya this season kasi sobrang deserve niya 'yon, sobra sobra 'yong pagod niya.


"Tara, sis!" Leia clung her arm around my arm, naglakad na kami palabas at pumwesto sa labasan ng players para ma-iabot ko 'tong box of buchi ni Jaxon. "Ganda ng picture mong sumisikat sa Twitter a'!" Sabi ni Leia habang nakatingin sa phone niya.


"Ano?!" Kumunot ang noo ko, inaantay ko pa rin sila Jaxon na lumabas from the arena. Nandito na 'yong UP Bus, inaantay ko na lang talaga silang lumabas para maabot ko na at makauwi na 'ko. 


"Ito," Leia beamed while showing me her phone. Nakita ko naman ang picture kong nakatalikod habang nakataas ang dalawa kong kamay, nakashoot ata si Jaxon nito kaya ako nakaganon. Kitang kita 'yong jersey ni Jaxon na suot ko lalo na't nakaponytail pa naman ako. 


I got her phone and started scrolling, ang daming comments! Mostly 'sana all' tapos kinikilig daw sila. Puro heart emoji. Nakakatuwa ang mga supporters ni Jaxon. Binalik ko kay Leia 'yong phone niya. 


"Nakakakilig naman! Showbiz ka na, teh!" Siniko ako nang bahagya ni Leia. "Ako dapat president ng fansclub huh!" She laughed.


"Ay nako, ewan ko sayo!" I shook my head.


Nang masigawan naman ang mga tao, agad akong napatingin sa gate na nagbukas. I walked towards the crowd para maiabot ko lang kay Jaxon 'tong buchi na favorite niya. "Jax!" I shouted his name. Agad naman niya 'kong nakita at nginitian. Ang liit ko kaya halos hindi ko maabot sa kaniya. 


"See you later!" Jaxon smiled at me as he got the box from my hand. Kumindat pa!


Leia and I decided to separate since she needs to go home na, ako rin naman ganon. While inside the car, nakatanggap naman ako ng text galing kay Jaxon. 


From: Saint Jaxon Vier

Thank you for the buchi, my love. I shared it with the whole team, ang sarap! See you later! Mas mataas points ni Jordi GDL sa akin! Lugi! :(


To: Saint Jaxon Vier 

hahahahahaha enjoy the buchi, love! see you, pauwi na ako. dinner tayo? order ako chinese food hihihihi miss ko! okay lang, may kiss ka pa rin for doing your best. 


From: Saint Jaxon Vier

I LOVE YOU, MY VIVIANA!!!!!!!!!


To: Saint Jaxon Vier

I love you more, my MVP!

Books, Coffee, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon