Hakbang ni Tiara

330 14 4
                                    

Puso ang una mong mamamataan sa bawat lingon sa school. Ano pa ba? Dahil lang naman kasi buwan na ng mga puso. It's February!

"Kayo ba ni Kieran sa promenade?" usisa ng isang kaklase ko.

"Hindi ako makaka-attend eh," ngiti ko.

That's true. Hindi ako makaka-attend. Sa mismong araw ng promenade ay may importanteng pupuntahan kami nila Mama at doon kami mag-stay. I don't know kung ano ngunit nakakasigurado akong mahalaga iyon. Hindi ko pa nga nasasabi sa kay Kieran ang tungkol sa bagay na iyon. Ang huling sagot ko sa kanya ay pag-iisipan ko pa. I didn't know this will be hard.

Bawat sulok ng aming school ay maririnig na pinag-uusapan ang promenade. Hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang kirot sa aking dibdib. Iyon sana ang magiging first promenade ko but the word sana is included! Umiling ako sa aking sarili. I know meron pa next year. That will be my first and last.

"Sakit ba? Mag-imagine ka na lang na kasayaw mo si Kieran at 12 midnight." Halakhak ni Jazi sa aking tabi. "But in the reality, si Nicole Tordera ang —"

Naputol iyon ng kanyang tawa.

"Nicole Tordera?" sagot ko. "Friendship over sila ng pinsan ko kapag nagkataon." May halong kayabangan ang aking boses.

Mukhang nagulat si Jazi sa aking sinabi dahil nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Sila ba?"

Isang tawa ang aking pinakawalan. "Hindi but you know..."

Napaawang ang kanyang bibig. "Bakit ngayon ko lang nasagap iyan?" tawa niyang muli.

Sa Sabado na ang itinalagang petsa para sa promenade. Walang pasok ng Biyernes. Bakit nag-abala pa para maging Linggo?

Napakunot ang aking noo at ni-focus ang sarili sa kaharap kong notebooks. Hindi naman ako pupunta. Why bother thinking those things?

Dalawang araw bago ang promenade at mas lalong umingay at naging usap-usapan ang promenade. Nakikinig at nakikitawa lamang ako sa aking mga kaklase tuwing napag-uusapan ang bagay na iyon. Walang nagtatanong at wala yatang nakaaalam na hindi ako pupunta. Walang nang-aasar at paulit-ulit pa rin ang tanong nila sa akin kung kami daw ba ni Kieran ang magkasama sa gabing iyon.

"Hindi kami magkasama." tawa ko nang muli nila akong tanungin.

Kumunot ang noo ng karamihang nakainig ng aking sagot. Wala akong balak pang ipagkalat na hindi ako pupunta. Hindi naman importante.

"Anong balak mo sa Saturday?" pagtatanong ko kay Kieran na kasama ko ngayon sa isang mall. Walang pasok bukas at naisipan namin na gumalaj.

"I am not going to attend, too."

"Bakit?" Kumunot ang aking noo. "That'll be your last promenade. Why not?" He knows I am not going to attend. Matagal ko nang nasabi sa kanya.

"What's the use?" Nilingon niya ako habang naglalakad.

Nagkibit balikat ako. "Enjoying high school life?" Nilingon ko siya at ngumisi.

"How I will enjoy if you are not there on the first place?" Matigas ang kanyang boses. "Pupunta ako kung pupunta ka." Iniwas niya ang kanyang tingin.

May tila kung ano sa aking tyan ang aking naramdaman. Bumilis ang tibok ng aking puso at namawis ang aking mga kamay.

"Fine," tangi kong nasagot.

Pumasok kami sa isang fastfood chain. Ilang kaklase ko ang aking nakita na pare-pareho ang sumasalubong na ekspresyon sa kanilang mukha. Hindi pa ba sila sanay na magkasama kami? It's been a month or two.

"Are you free tomorrow?" saad niya pinaghila ako ng upuan.

Umupo ako doon. "Mahal ako, hindi ako free." tawa ko.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon