Patagong Hakbang

295 15 6
                                    

Entry no. 8

Dear Diary,

Isang linggo bago ang birthday ko pero ramdam na ramdam ko na. Iimbitahan ko si Kieran! Pina-invite ko siya sa pinsan ko tapos um-oo daw! Siyempre 'yong hindi masyadong halata. Kuripot kasi 'yon kaya pumayag na ayain si Kieran para 'yon na daw ang regalo niya sa akin. Bwiset na 'yon. Pero hoy, sana wag siyang tokis!

Tapos grabe! May nagthrowback ng mga pictures ko sa Facebook kaya lumabas 'yon sa recently feed ng friends. Tapos nagcomment ka sa picture na madungis ako kasi kumakain ako ng chocolate. Pumuputok 'yong pisngi ko doon sa picture na 'yon.

Kieran Hades De Ayala: Haha cute :)

Jusko, paano kinaya ng puso ko 'yon?

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon