Pagtigil ng Hakbang

312 15 14
                                    

Kieran Hades de Ayala

"Ma, bakit naman tayo lilipat pa? I am okay here! We are all okay here! Ayokong iwan ang mga pinsan ko! Paano na si Celine? Iiwan ko na lang?" pagrereklamo ko.

"Doon na nakaassign ang Daddy mo, Kier. Sumakay ka na." sabi ni Mom then she pushed me inside the van. "At anong Celine? You're fifteen and you're young. 'Wag mo seryosohin si Celine."

Napakamot ako sa aking ulo.

Agad akong nag-online nang makarating kami sa aming lilipatan. Agad akong nagmessage sa mga pinsan ko na kapag gigimik sila ay sunduin ako kahit na medyo malayo.

"Let's go out sometime, Kier. Kapag bakasyon siguro." ani Kuya Jerome habang kausap sa Facetime kasama ang iba kong mga pinsan. "Sana nagpaiwan ka na lang dito." Humalakhak siya.

"Malayo, Kuya." iling ko.

"Dapat pag-uwi mo dito ay may pasalubong ka sa akin!" Loko-lokong sabi ni Hanz. "Okay na iyong babae." tango niya.

Hindi ko alam ang mga pwedeng mangyari. Halos lahat ay bago. Bagong bahay, bagong lugar, bagong school at bagong mga kaklase. Maybe bagong babae? Napailing ako sa akin iniisip at pilit na tinigil ang mga pangit na naiisip.

"Pare, si AJ?" pagtatanong ko sa mga kaklase ko. "May practice yata kami ngayon."

"Ha? Umuwi na iyon. Diba sabi mo aayain mo sa date si Nicole?" tawa niya.

Agad ko siyang sinapak at minura. "Marinig ka, uy!" sabi ko at mabilis na lumingon sa paligid.

Uuwi na sana ako pero nakatanggap ako ng text mula kay AJ. Na puntahan ko raw ang pinsan niya upang makaattend ako ng practice. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dahil para iyon sa performance.

"Tiara Lopez." sabi ko sa isang kaklase ng pinsan ni AJ.

Naging tahimik ang pagiging sabay naming paglalakad. Tuwing nililingon ko ang kasama kong si Tiara ay napapahigpit ang hawak niya sa kanyang mga libro.

"Tiara, right?" panimula ko.

"Ha?" Nautal siya at tumango. "Oo. Oo, Tiara."

Napangisi ako. Alam ko na agad ang inaasta niya. "Pagkain iyon diba? Iyong may suka tapos some vegetables and..."

"Ay, ano? Ha?" Nagkasalubong ang kilay niya.

Umiling ako at tumingin sa aming dinaanan. "Wala, 'wag na." Hindi ko alam kung hindi niya lang ba agad na-pick up 'yong joke o hindi talaga nakakatawa ang naging joke ko?

"Ay, teka." Nilingon ko siya at namataan ang paniningkit ng mga mata niya ang pagbuka ng bibig niya habang tumatawa. "Atchara! Wait lang, ngayon ko lang nagets." aniya at saka humagalpak muli.

Pinanood ko lang ang pagtawa niya. Hindi ko mapigilang hindi mahawa sa pagtawa dahil napahawak pa siya sa kanyang tiyan.

"Bopols," saad niya. "Tiara, ano iyon, tagalog ng tea!" hiyaw niya at saka humagalpak.

What the eff? Tinawag niya akong bopols? What does it mean, huh?

"Okay na, sige na, tigil na." Pigil ko sa ngisi niyang tumatawa-tawa pa.

"Sshh! Nag-iisip ako ng joke sa pangalan mo." Seryoso pa ang pagkakasabi niya kaya napatango na lang ako. "Teka! Anong pangalan mo pala?"

Natawa na naman ako nang nakita ko ang itsura niya habang tumatawa. Ang pagiging carefree niya ay nakakatuwa. Ang malakas na boses niya at ang pagiging madaldal niya ay nakakawala ng badtrip. Wala siyang pakialam kung lalaki man ang kasama niya. Minsan kasi maarte.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon