Hakbang ni Tiara

313 14 0
                                    

Malapit na ang finals at siguradong magiging busy na naman ang bawat isa. Maraming teachers na ang nagbibigay ng iba't ibang projects. Sabay-sabay plus mahirap pa.

"May bibilin ka ba?" pagtatanong sa akin ni Kieran habang naglalakad papuntang sakayan.

Tinignan ko ang palad ko kung may notes doon at nang nakitang wala ay nag-isip ako saglit. "Wala naman akong matandaan." ani ko.

Tumawa siya. "Kakaibang estudyante." iling niya.

Nilingon ko siya. "Nako, gusto mo lang ako makasama eh," Tumawa ako. "Alam ko na ang galawan mo."

Umirap siya. "Hindi kaya."

Sa huli ay nagpunta rin kami ng bayan. Wala rin naman akong madaming gagawing assignment kaya naman sumama ako. Sumakay kami sa shuttle o service ng school at bumaba sa plaza, hindi alam kung saan pupunta.

"Saan na tayo niyan?" pagtatanong ko at pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ang panyo ko.

"Pawis na pawis ka." Halakhak niya. "Bakit?"

Umirap ako. "Mainit kaya!"

"My apology, miss." Ngumisi siya.

Nagsimula kaming maglakad at nag-isip kung saan pupunta. Bigla ko naalala ang bagong bukas na kainan malapit sa Galeria Victoria.

"Masarap naman kaya doon?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Kaya nga ita-try."

"Sungit." he hissed.

"Aba," Hinampas ko ang kanyang braso kaya naman napalayo siya sa akin at hinawakan ang parteng hinampas ko.

"Hindi magaan ang kamay mo, ha!" aniya. "Masakit iyon."

Humalakhak ako.

Nang tatawid na kami ay napatigil agad ako. Hindi ko kayang tumawid. Hindi ako marunong. Hinawakan ko ang strap ng akin backpack at sinubukang huwag humawak kay Kieran sa pagtawid. Madalas kasi ay humahawak pa ako sa mga kasama kong nakakasabay ko sa pagtawid.

Nang nasa pedestrian na kami ay nagtuloy-tuloy akong maglakad patawid.

"Teka!" Naramdaman ko ang malambot na kamay ni Kieran sa braso ko at hinatak ako. Narinig at nakita ko ang sasakyang mabilis na dumaan lang pagkatapos akong hatakin.

Nilingon ko siya at nakita ang kanyang ekspresyon. Nakakunot ang kanyang noo at makikita sa mata niya na... nag-aalala siya?

"May sasakyan. Hindi mo ba nakita?" Hindi kalmado ang pagkakasabi niya at may halong inis. Itinuro niya pa ang direksyon kung saan dumaan ang sasakyang muntik na akong mabangga.

Umiling ako at nanatiling tinitigan siya. I like how he cares for me and it makes me fall harder.

Bumuga siya ng isang malalim na hininga. "Tara."

Nag-init ang aking pisngi ng maramdaman ko ang kamay niyang dumausdos pababa ng aking braso at tumigil sa kamay ko. Kinulong niya ang kamay ko sa kanyang malaking kamay at pinagsilop ito. Dumidikit ang kanyang braso sa akin sa tuwing humahakbang kami patawid. This is the first time he hold my hand. It's a memory I'll definitely not forget. Hindi ko na babasain itong kanang kamay ko!

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa lugar na aming pupuntahan. Magkahawak ang kamay na pumunta sa isang bakanteng pwesto. Walang masyadong tao. Dahil siguro bago pa lang.

"Ano namang kakainin natin dito?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko ang table na may menu. Ang mismong table nila ay may menu na at mamimili ka na lang.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon