Hakbang ni Tiara

320 16 4
                                    

Halos lahat ng nasa bahay ay abalang-abala para sa pagsalubong sa Bagong Taon. Pakiramdam ko ay sobrang bilis ng panahon. Panibagong taon na naman ang haharapin maya-maya lang.

Hanggang ngayon ay nasa Nueva Ecija pa rin kami. Dapat sana pagkatapos ng Pasko ay uuwi na kami pero nagpumilit ang lola ko na huwag muna kami umuwi at doon na lang sumalubong ng Bagong Taon.

"Ate Tiara, doon daw po tayo sa kwarto ni Kuya Magne." aya sa akin ng pinsan kong si Ken na limang taon pa lang. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako.

Halos lahat kaming magpipinsan sa mother-side ay narito sa Nueva Ecija. Ang iba kasi sa mga pinsan ko ay nasa ibang bansa. Mga rich kid ang mga iyon.

"Ate Tiara!" salubong sa akin ng isa kong pinsan na si Patricia nang makapasok ako ng kwarto at agad akong niyakap.

Nang kumalas ay binatukan ko sya. "Bakit nandito ka? Kailan pa kayo umuwi?" sunod-sunod kong tanong.

Humalakhak siya. "Kanina. That's the surprise."

Tumawa rin ako at hinarap ang iba kong mga pinsan. Ang mga lalaki ay naglalaro ng PlayStation 4 at 'yong mga iba ay tulog. Kaming apat na babae nila Theanne, Patricia at Ate Lyn ay magkakasama. Si Ate Lyn ay karga ang kanyang anak na si Celine na tulog.

Habang nagkukuwentuhan kaming mga babae sa kama ay ang mga lalaki naman ay minsan nakikinig at minsan inaasar kami. Ang pamangkin kong si Celine ay kinuha ng kanyang daddy kaya mas malaya silang nag-iingay.

"Kumusta 'yong Australia?" tanong ni Ate Lyn kay Patricia. Galing silang Australia dahil doon na sila nakatira. Sigurado ay spokening dollars na 'tong si Patricia at ang kanyang dalawang kapatid na lalaki.

"Still Australia." tawa ni Patricia.

"You guys, 'di na sanay to speak Tagalog?" maarte kong sabi at nagsitawanan kami.

Minura ako ni Patricia na okay lang naman dahil talagang ganoon kaming magpipinsan. 'Wag lang maririnig ng mga magulang namin. Tiyak na isa isa kaming tatampalin sa bibig.

"Si Fitz, hindi sanay 'yon magtagalog." sabi ni Kuya Phillip na naglalaro ng PS4.

Tumango ako. "Doon 'yon pinanganak, eh."

"Tiara," tawag sa akin ng pinsan kong si Kuya Magne. "Ano 'yong sinasabi ni AJ tungkol doon sa..."

Napakunot ang noo ko nang hindi niya naituloy. Pinasadahan ko ng tingin si kuya AJ na seryosong naglalaro.

"Oo!" biglang sabi ng katabi kong si Theanne. "Kieran ba 'yon? Kanina kasi nagtanong si Patricia kung sino 'yong kasama mo sa picture na pinost ng page ng school niyo tapos shinare mo."

Bigla akong kinabahan at nag-init ang aking pisngi. "Ah," tawa ko. "Wala 'yon. Kaibigan ni Kuya AJ."

Humalakhak si kuya AJ at nagmura. "Aray ko po. Nagdeny. Isusumbong kita." Nagmura siyang muli at kinuha iyong cellphone niya.

Binato ko siya ng unan. "'Wag!" sabi ko. "Ano muna meron sa inyo ni Nicole Tordera?" tanong ko sa kanya at tumawa.

Nanlaki ang mga mata niya. "Wala, 'no!" At binato sa akin ang maliit na unan.

"Puro may mga lovelife 'tong mga 'to." iling ni Jethro.

I hissed. "Wala ako. Kayo lang 'yon." Tumawa akong muli.

"Ayan si Theanne, tignan niyo. Tahimik lang. Siguro meron 'to." asar pa ni Ate Lyn.

Patuloy ang kanilang pag-aasaran nang biglang may tumawag sa akin. Sabay-sabay silang tumingin at may laman ang mga tinging iyon. Hindi ko sila pinansin at tinignan ang aking cellphone na lumabas ang pangalan ni Kieran.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon