Simula
"Hoy Tiara Dernardine, naririnig mo ba ako?"
"Hindi ba uso sa iyo ang 'hello'?" I hissed.
Narinig ko ang paghalakhak ng pinsan kong lalaki sa kabilang linya. "Alright. Hello, Tiara Dernardine? Naririnig mo ba ako?" marahang sabi niya.
Umirap na lang ako at hindi na pinansin ang kalokohan niya. "Ano ba 'yon?"
"Pauwi ka na ba?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Wow, ngayon lang 'to nagtanong. Ano kayang kailangan nito?
"Yes, pero nasa room pa ako. Bakit ba?"
"Isabay mo 'yong kaklase ko papunta dito sa bahay. Transferee 'yon at tamang-tama, pinapunta ko na siya sa room ninyo." utos niya sa akin.
Napakunot ang noo ko. What the hell? "Bakit ako? Nasaan ka ba?"
"Nasa bahay na." Humalakhak siya. "Hindi ko naman alam na pupunta siya sa practice eh." pagdadahilan niya. "Akala kasi namin umuwi na siya."
Sabi ko na eh, may sapak talaga ito sa utak. Iwanan ba naman 'yong groupmate? "'Wag ako, okay? I-text mo na lang sa kanya 'yong way papunta sa bahay."
"Pupunta siya dito sa bahay kaso hindi niya alam 'yong lugar natin. Bagong lipat kasi kaya isabay mo na, ha?" Tumawa siya. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita pero nagsalita na siya ulit. "Anong sabi mo, oo? Thank you. Ang ganda mo talaga, pinsan."
And with that, he hung up at biglang may naghanap sa akin. "Tiarry! May naghahanap sa'yong papi sa labas ng room!" Tumawa ang kaklase ko. "Kieran Hades de Ayala daw."
BINABASA MO ANG
Sudden Walk
Teen FictionOne step. Two steps. Three steps. She was trapped. *** Sudden Walk: The Revised Edition Unsatellite, 2014. All rights reserved.