Hindi ko alam kung ilang minuto ko ng tinititigan ang usap namin ni Kieran. Hindi ko alam na babati siya sa akin at sasabihin niyang pupunta siya mamaya sa party. Pupunta siya!
Ang pa-cute ng reply ko do'n pero hayaan na. At least, walang malandin emoji na nakalagay doon. Buong araw ko na yata iisipin 'yong pagpapalitan namin ng message ni Kieran.
"Happy birthday, pinsan!" bati ni Kuya AJ sa akin pagkapasok niya sa kusina.
Kumakain ako nang umagang 'yon nang matanggap ko 'yong message ni Kieran. Muntik pa ko masamid kasi umiinom ako ng gatas nang nakita ko sa notification.
"Regalo ko?" Ngiti ko sa kanya at naglahad pa ng kamay.
Kumuha siya ng baso at nakatalikod siya ngayon sa akin. "Mamaya! Darating!" Halakhak niya.
Nag-init ang pisngi ko. Parang alam ko na kung ano 'yon.
"'Nga pala, hiningi ni Kieran 'yong number ko sa'yo?" Kunyari wala lang sa akin ang pagtatanong ko.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Oo. Nagtext na sa'yo?"
Tumango ako.
"Ah," Tumango-tango pa siya habang nagtitimpla ng kape niya. "Dapat Kuya Kieran ang tawag mo kasi mas matanda siya sa'yo, eh."
Kumunot ang noo ko. "Isang taon lang naman!"
"Isang taon lang din tanda ko sa'yo..." pangangatwiran niya sa akin at naglakad na papunta sa mesa.
"Iba naman 'yon..." Mahina ang boses ko.
Tumawa siya. "Gusto mo si Kieran?" Nakatingin siya sa akin at seryoso ang mga mata niya.
Hindi ako nakasagot ng oo o hindi. "Mabait siya, friendly..."
He hissed. "Hindi iyon ang tanong ko." Ngiti niya sa akin. "Mag-ingat ka doon, Tiara. Ito ah," Tinuro niya 'yong sarili niya. "Payo galing kay Kuya." Kindat niya bago tumalikod at iniwan akong nakatulala.
Mabilis ang usad ng araw na 'yon. Maya-maya lang ay oras na ng salu-salo sa garden. Isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa table na kinauupuan ko kasama ang pamilya ko.
Alas-tres pa lang nang hapon ay nagsimula na ang maliit na party para sa pagtungtong ko ng sixteen years old. Nakadress akong dilaw at nakaflats. Ang ginawa sa buhok ko ay messy bun dahil hindi naman ito kahabaan para sa mga iba pang kaartehan. Sa bahay lang nangyari tutal ay malaki naman ang garden sa bahay at kaunti lang din naman ang mga inimbitahan. 'Yong mga malapit na tao lang talaga.
Well, Kieran...
"Tiara, your dad's here!" narinig ko ang sigaw ni Tita Ellen mula sa gate ng bahay na siyang nagbukas para sa kay Papa.
Tumayo ako para salubingin si Papa. Kumaway ako.
"Late na ba ako?" Tumawa siya. "Happy birthday, Tiara." sambit niya at binigay ang isang paper bag.
"Thank you, Papa."
Iniabot ko ito kay ate Beth para ilagay niya sa table ng mga regalo. Inaya ko si Papa papunta sa table ng pamilya ko at pinaupo siya doon. Galing si Papa sa trabaho kaya naman medyo nahuli siya. Siguradong nag-undertime pa siya para lang dito. Si Mama naman ay nagleave para sa araw na 'to.
BINABASA MO ANG
Sudden Walk
Novela JuvenilOne step. Two steps. Three steps. She was trapped. *** Sudden Walk: The Revised Edition Unsatellite, 2014. All rights reserved.