Nang sumunod na araw ay naging usap-usapan ng mga kaklase ko ang mangyayaring intersection ng mga Grade 12. Hindi naman kami excuse para lang manood ng game. Sumakto lang talagang walang klase ng oras na iyon dahil free time sa Biology. Konti lang ang mga manonood sa amin ng mga kaklase ko dahil hindi naman interesado ang iba.
"Ikaw, Tiara?" tanong ng isa kong kaklase. "Pupunta ka?"
Nagkibit balikat ako kahit ang sagot ay oo. Pupunta ako para sa pinsan ko para may pang-asar ako sa kaniya sa susunod na asarin niya rin ako. Baka laging palyado ang tira no'n.
Isa pa, ipagkakaila ko pa bang isa sa dahilan si Kieran?
Nakakalungkot lang na may nililigawan siya. Ayos lang naman 'yon. Being in a 'friend zone' is not a sad ending though. Ang mga tao lang talaga na nag-iisip na malungkot iyon. Para sa akin, ang pagkakagusto sa isang tao ay hindi kailangan ibigay pabalik o bigyan ng kapalit. Masakit magmahal minsan mag-isa siyempre, pero hindi naman kasi iyon maiiwasan. Ang pagiging magkaibigan ay hindi naman masama.
"Pupunta ka?" ngisi sa akin ni Karen, kaklase ko. "Naks." saad niya nang ngumiti ako.
Saktong two o'clock ay nagpunta na kami ng gym. Marami ng Grade 12 doon at nag-uusap. Nakita ko ang mga nakapula at ang klase ng pinsan ko iyon. Agad kong hinampas ang kaibigan kong si Jazi nang makita si Kieran.
"Ay, gaga! Si Kieran! Ang hot! Bakit gano'n!" Hinawakan ko ang braso niya at pinisil iyon dahil sa kilig.
"Masakit, gaga. Nasaan ba?" wika niya habang nakitingin sa direksyon na tinitignan ko. "In fairness, nagmukha siyang tao ngayon."
Sumunod kaming dalawa sa iba ko pang mga kaklase na uupo sa bleachers.
"Compliment ba 'yan? Mukha naman talaga siyang lalaki ah!" pagtatanggol ko.
Tumawa siya. "Uy, si Nicole Tordera ba 'yong katabi ni Michaela?" Turo niya sa kabilang row ng upuan.
Agad kong nilingon ang direksyon ng kaklase kong si Michaela pero wala naman akong nakitang Nicole Tordera doon.
Narinig ko ang halakhak ni Jazi kaya naman siniko ko siya. "'Pakyu."
"Huy, bibig mo!" Narinig ko ang boses ng pinsan ko.
Nilingon ko ang direksyon ni Kuya AJ at nakitang kasama niya si Kieran. Ano ang ginagawa nila dito? Wala dito si Nicole Tordera. Hindi ko na iyon inisip pa sa halip ay ngumiti na lang.
"Doon kayo sa harap." sabi ni Kieran. "Ayaw niyo? Mainit dito."
Umiling ako at lalo pang lumaki ang ngisi ko. Baka nga ay mapupunit na ang labi ko. "Oks na. Salamat." Tinaas ko pa ang hinlalaki ko kahit na medyo mainit nga sa pwesto namin.
Tinapunan ko ng tingin ang pinsan ko na nakatingin lang sa akin ngayon. What is his problem? Nahuli ko ang paglaki ng mata niya at pagtapik niya kay Kieran. "Pare, si Nicole." mahina ngunit sapat na para marinig ko.
Agad nawala ang ngisi sa aking mukha at muling tinignan si Kieran na ngayon ay luminga sa direksyon na tinitignan ng pinsan ko. "Tara p're. Tara." aniya, mukhang nagmamadali. Pagkatapos ay tumama ang tingin niya sa akin. "Alis na kami," Ngumiti siya. "Hintayin mo ako mamaya pagkatapos mg game."
Damn, heartbeat.
Ngumiti ako at tumango. "Enjoy the game and Good luck!" Kaway ko.
"Thank you." ngiti nito at tumalikod na.
Ang nananahimik na si Jazi ay inasar ako pagkatapos. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras para panoorin pa kung paano ngingiti at maging masaya si Kieran sa harap ni Nicole Tordera o habang magkausap sila.
Nang nagsimula na ang laro ay agad kong napansin na kapag talaga lalaki naglalaro ay seryoso. Kapag kasi babae ay tawanan ang nangyayari kapag ganiyang intersection. Tuwing nakakakuha ng puntos ang grupo nila Kuya ay hindi ko mapigilang hindi magsabi ng kung ano na minsan ay napapalakas pa.
Nang na kay Kieran ang bola ay agad akong inasar ng mga kasama ko. Ngumiti lang ako at hinanap si Nicole Tordera pati na ang mga mata ni Kieran. Nang ni-shoot niya ito ay hindi man lang siya tumingin sa mga nanonood.
"Nice!" ang malakas na nisabi ko ng pumasok ito.
Naramdaman ko ang pagtingin ng mga kaklase ko at narinig ang tawa nila. Umakto ako na parang walang narinig at pinagpatuloy ang panonood ng laro.
Mabilis ang naging laro. Alas tres na nang natapos ang intersection. Uwian na namin 'yon.
Malaki ang lamang ng grupo nila Kuya. Laging tres ang nigagawa niya na hindi ko inakalang kaya niya. Hindi ko tuloy siya maaasar.
Si Kieran ay maayos rin ang laro. Minsan pumapalya pero madalas ay pumapasok. Siguro ay nagpapasikat kay Nicole Tordera?
Nanalo sila sa naging laro. Sa pagkakaalam ko ay balak nilang lumabas para kumain dahil sa wakas ay tapos na ang intersection. Lumapit ako kay Kuya para magpaalam. Madalas kasi ay nitetext niya ako at nisasabing hindi ako nagpapaalam.
"Kuya," tawag ko at lumingon siya. "Uuwi na ko. Ikaw?"
Umiling siya. "Kakain lang kami saglit. Sabihin mo kay Tita."
Tumawa ako. "Ikaw na. Kaya mo iyan."
Mas lalo akong tumawa nang umirap siya. Tinalikuran ko siya at inaya na si Jazi. Pero hindi ko naman inaasahan na sa paglingon ko ay makikita kong kausap ni Kieran ang Nicole Tordera na iyon na hindi lang kalayuan.
Nakipag-usap ako kay Jazi at hindi na iyon pinansin.
"Tiara!" Napapikit ako. Wow?
Nilingon ko si Kieran na isang metro ang layo sa akin. "Hindi ka sasama sa amin?" Si Jazi na katabi ko ay nasamid pa kunyari. Bwisit na batang 'to.
Umiling ako. Hindi naman ako kasama sa team niyo. Mananahimik lang ako doon.
"Hintayin mo na lang ako. Uuwi na rin ako at sasabayan kita." Hindi iyon tanong. Isa iyong pagpoproklama na sasabayan niya ako. Siguro sa terminal. Teka, ako ba?
Umiling akong muli at ngumiti sa kanya. "'Wag na, uhm..." Sinulyapan ko ang mga kagrupo niya lalo na si Nicole Tordera. "May lakad yata kayo."
"Kasama niya mga kaibigan niya, pare." Sabi ni Son, na isa sa kagrupo niya. "May next time pa, so chill." Humalakhak ito.
Ngumiti ako kay Kieran. "Congrats na lang." tawa ko. "Paki-hi na lang ako kay Nicole Tordera." Hindi ko alam kung ano ang tono ng boses ko nang sinabi ko iyon. I don't care. Gusto ko naman talaga bumati dahil kakilala niya rin naman ako.
Kumunot sandali ang kanyang noo sabay tinagilid ang ulo ng kaunti ngunit agad ding tumango sa akin. "Alright. Ingat kayo."
Ngumiti ako at tumango rin. "Kayo rin."
Agad akong tumalikod at naglakad na. Ginugulo na naman ang utak ko!
BINABASA MO ANG
Sudden Walk
Teen FictionOne step. Two steps. Three steps. She was trapped. *** Sudden Walk: The Revised Edition Unsatellite, 2014. All rights reserved.