Hakbang Ni Tiara

242 12 5
                                    


"The number you are calling is either unattended or out of coverage area -"

Napasinghap ako. Bakit ba hindi sumasagot si Kieran? Nakapatay ba ang phone niya? Bakit nakapatay? Tatlompung minuto na akong naghihintay rito!

Tinignan ko ang gate mula sa bench na kinauupuan ko. Halos lahat ng estudyante ay nagsisiuwian na. Kahit ang mga players ay umuuwi na rin. Limang minuto pa ay aalis na ako rito.

Pagsaktong pagkatapos ng limang minuto ay tumayo na ako at kinuha ang aking bag. Bago umalis ay nilingon ko muna ang paligid, umaasang paparating na si Kieran. Nangilid ang luha ko ng nakitang walang sign na paparating siya.

Pinigil at nilabanan ko ang nararamdaman ko. Niyakap ko ang dalawang librong hawak ko at nagsimulang maglakad.

Nakatanggap ako ng isang message mula kay Kieran nang gabing iyon.

Kieran:
I'm sorry. Let's talk please.

Bumigat ang aking pakiramdam.

Tiara:
It's alright.

Pinatay ko ang aking cellphone at iPad pagkatapos kong isend iyon. Marami pa akong gagawing activity. Makakagulo lang siya. Anyway, ginulo niya naman talaga ako.

Sumabay si Kieran sa amin ni Jazi ng lunch kinabukasan. Madaldal si Jazi at tumatawa ako sa bawat sinasabi niya.

Napakunot ang noo ko nang tumayo si Kieran. Agad ko siyang tiningala at pinagtaasan ng kilay.

"I'll buy you some drinks." aniya at ngumiti.

"May tubig ako..."

"Dessert na lang siguro?" marahan niyang saad.

Umiling ako. "'Wag na. Kumain ka na lang." sabi ko at iniwas ang tingin, pinagpatuloy ang pagkain.

Humalakhak si Jazi sa aming harap. "Hindi pa magbati. Doon din naman punta no'n."

Nang araw ding iyon ay sumabay sa akin si Kieran pauwi. Pagkalabas ko ng classroom ay nandoon siya agad. Mabilis niya akong nilapitan nang nakita ako. Kinuha niya ang bag ko at isinabit iyon sa kaliwang balikat niya. Tahimik kaming naglalakad.

"Uuwi ka na?" he asked.

Tumango ako. "Bakit? May pupuntahan ka pa ba?" malamig kong tanong.

"Wala," sagot niya. "Tiara, sorry kung hindi ako pumunta kahapon." I didn't respond. "Tinawag kasi ako ni Mr. Ramos. Hindi kita matext kasi dead battery na ako. I am sorry kung naghintay ka ng matagal. I am sorry kung parang naging loner ka na nakaupo doon sa -"

"Bwisit ka." irap ko.

"Nakakapanibago kapag tahimik ka." halakhak niya. "Bati na tayo?"

Nilingon ko siya at umirap muli.

Sinundot niya ang pisngi ko. "Ngingiti na yan..."

"Tsss..." ngisi ko.

Tinaas niya ang kanyang mga braso sa ere at agad na sumigaw. "Bati na kami!"

Hinampas ko ang braso niya. "Gunggong." tawa ko.

"Mo." aniya at inakbayan ako.

Naging maayos ang mga sumunod na araw. Ang mga susunod na linggo ay tingin ko mas magiging abala ako. Mas lumalapit na ang mga deadline at wala pa akong masyadong natatapos. Si Kieran ay ganoon din. Abala rin sa ilang subjects nila. Sa hapon na lang kami nagkikita o kaya minsan ay hindi pa kami nagkakasabay dahil sa ilang practice.

And then one day, may nakarating sa aking balita.

"Tiara, kayo pa ba ni Kieran?" tanong sa akin ni ate Jewell, kabatch nila Kieran ng may pag-aalinlangan.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon