Hakbang ni Tiara

328 19 5
                                    

Taon-taon ay ginaganap ang Year End Ball para sa mga Grade 11 at Grade 12 sa school.

Hindi naman kailangan na kailangan um-attend pero hinihikayat na pumunta. Ayon sa mga teachers ay dapat pumunta dahil isa ang Year End Ball na pinakamahalaga at pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon sa eskwelahan bukod sa High School Night tuwing February. I don't know if it is true though. First time kong a-attend ng mga ganitong party at hindi ko alam ang mga mangyayari.

"'Pag may date kayo, plus ten." tawa ng teacher namin sa PE.

Agad nagreklamo ang mga kaklase ko na ikinahalakhak ko lang.

"Wow naman, Tiara. Tawa-tawa ka lang diyan." asar sa akin ng kaklase ko.

Nagreact din ang iba ko pang kaklase at inasar asar ako. "Akala yata aayain siya ni Kieran kaya easy —"

Agad na nagreact ang teacher namin nang marinig ang pangalan ni Kieran. "Sinong Kieran? De Ayala? 'Yong Grade 12 na pogi?" Halakhak pa ni Ma'am.

Umiling ako. "Eh? Ma'am, hindi po!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kumikinang mata mo, Miss Lopez. Ganda, oh!" Humalakhak siya.

Atat si Jazi na makahanap ng date. Sabi niya aayain niya na lang daw 'yong pogi sa kabilang section pero hindi naman niya maaya. Kaya niya naman ayain pero mas iniintay niya na ayain siya ng crush niya na Grade 12 din.

At ako? Wala akong ka-date, 'no!

Wala. Hindi kaya ako umaasa. Hindi talaga.

Mabilis ang naging takbo ng mga araw. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang sila maglakad. Dumating ang araw ng Year End Ball. I am wearing ivory satins off shoulder evening dress na ang kulay ay champagne. My hairstyle is just a messy bun. At dahil hindi pa ako sanay sa mataas na pumps ay nagwedge ako na itim. Naka-light make up lang din ako dahil hindi ako sanay sa masyadong maraming kolorete sa mukha.

Sanay naman ako mag-isa, okay lang, sobrang okay lang. Kay Jazi ay may nag-aya. Si Gian na kaklase namin ay naglakas loob para tanungin siya. Dahil isang taksil si Jazi ay pumayag siya na makasama si Gian sa gabing ito at iwanan ako mag-isa ngayon. As in ngayon. Sa isang table na kasama pa ang ibang... walang kadate.

Ang pinsan ko naman ay wala ring ka-date ngunit kasama ang iba pang mga kaklase niya. I wonder kung naroon ba si Kieran. Wala akong balita sa kanya tungkol sa gabing ito. Ni hindi ako nagtanong dahil pakiramdam ko ay hindi naman kami close para magtanong ng mga ganong bagay. Hindi na rin ako nag-abala pa na kulitin ang pinsan ko para lang malaman ang mga sagot tungkol sa mga tanong tungkol kay Kieran. What I think about him tonight kills me. Paano kung kadate niya si Nicole Tordera? Kaya ko ba siya makita?

Napailing ako sa aking sarili. Wow, Tiara. You are ruining your mood.

Nagsimula ang programa at nanahimik ang lahat. Parang kanina ay sobrang nasasabik ang lahat sa ingay na maririnig. Nilingon ko ang mesa ng aking pinsan at kaniyang mga kaibigan. Napatingin rin siya sa akin at kumaway. Wala roon si Kieran. Ayoko ng luminga pa sa mga mesang mayroong ka-date. Maybe he's with Nicole. Ngumuso ako.

Nilibang ko ang aking sarili sa iba't ibang ilaw na nakakatuwa at iba pang mga bagay na nakakaaliw. I also enjoyed the food. Ang main meal na inihain ay masarap, lalo na ang dessert.

Sa parte ng mga sasayaw ay nakipag-usap na lang akong muli sa mga kasama ko.

"Akala ko ay maaasahan ko kayong dalawa ni Kieran na sasayaw sa gitna. Bagay pa naman kayo!" ani Claire.

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon