Hakbang Ni Tiara

328 14 1
                                    

"Kinabroken hearted mo 'yon?"

Kunot-noo akong tumingin sa kaibigan kong si Jazi. "'Wag mo ngang nila-lang' 'yon!" madrama kong sabi.

Umirap siya. "'Wag ka nga din. Overacting ka, girl. Sure ka ba doon? Sigurado ka bang nililigawan niya 'yon?"

Natigilan ako saglit pero agad ding tumango. "Oo! 'Di ba uso 'yong mga indirect sa Twitter? Ni-like niya 'yong isa doon sa kaibigan niya tapos may nakita ako doon na, "Ikaw kaisa-isang lalaki nag-like nito pero basta ang harot niyo ni A" tapos nakita ko doon sa profile ng kausap niya A 'yong nasa name. Hindi nga lang nakalagay 'yong totoong picture kasi fan yata iyon ni Ariana Grande at nakaprivate 'yong account." pagkukuwento ko sa mga nakita ko no'ng tinignan ko ang account ni Kieran.

"Hindi naman sinabing, "Sinagot ka na ba ni A?" at para maging sigurado ka na nililigawan niya 'yon." Inirapan niya din ako at uminom ng tubig sa tumbler niya.

"Eh basta!" pamimilit ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Mabilis ang naging takbo ng araw na 'yon. Pero ang akala ko ay hindi ko na makikita si Kieran ng araw na 'yon pero mali. Akala ko lang talaga.

Sasabay ako sa mga kaklase ko na sumakay ng shuttle papuntang bayan para pumunta sa office ng nanay ko. Shuttle 'yong tawag sa jeep na service namin mula sa school hanggang sa bayan.

Edi ano pa bang nangyari? Syempre ay namutla ako no'ng nalaman ko na andoon siya at inaasahan ko 'yon. Ilang beses ko na kinagat ang labi ko para makisigurado na hindi maputla ang itsura ko kung sakaling makita ko siya pero walang epekto 'yon.

"Uy, Tiara!" Kita ko sa mukha at rinig ko sa boses ng mga kaklase ko ang pang-aasar. Mga bwiset na 'to. Kapag talaga nandito 'yong crush niyo, ibibunyag ko kayo. As in bunyag talaga. Maririnig 'yong buong pangalan niyo.

No'ng sumakay si Kieran ng shuttle ay agad akong tinulak ng mga kaklase ko para pumasok at makatabi siya. Wala na rin namang space ang kabilang side ng shuttle kaya wala akong choice ako kung hindi tabihan si Kieran.

Wow, kunyari pa akong no choice. Nag-inarte pa.

Nakatabi ko siya at dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Naisip ko tuloy, hindi niya ba ako kilala? Pinsan ako ng kaibigan niya! At hello, friends tayo sa Facebook!

Hindi ko mapigilang hindi kiligin pero pinipilit kong huwag ipahalata kay Kieran. Masikip sa loob ng shuttle kaya naman nakasiksik kami roon.

"Hoy, 'wag kang pabebe. Push mo na, girl!" Humalakhak si Jazi sa sarili niyang bulong.

Ang saya na nang araw na 'yon. Grabe! Wait, pamura ako. Tangina, okay na sana pero no'ng tinignan ko 'yong phone ko ay wallpaper ko nga pala ang pangalan ni Kieran! Shit. Buti pangalan lang at hindi picture. Maliit lang 'yong pero iba pa rin, eh.

Hindi ko alam kung nakita niya pero damn, narinig ko ang bulong ni Kieran sa gilid ko. Hindi ko alam kung ako ba tinutukoy niya pero...

"Papansin..."

Funny, right?

Sudden WalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon