Its Faith

40 2 0
                                    

Taeyeon's POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng parang tinusok ang binti ko kung saan ako napuruhan. Pag dilat ko nakita ko na nasa isang parang kainan ako at nakahiga sa lamesa. Naramdaman ko na may tao sa paanan ko at tila may ginagawa ito. At nung tatayo na ko para tignan nakita kong tinatahi ng lalaki ang binti ko na may hiwa.

Nagulat ako kaya tinadyakan ko sya ng isa kong paa at nalalag sya sa kinauupuan nya.

"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya habang namimilipit sa sakit

"Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa ang may ganang magalit? Tinatahi ko lang sugat mo!" Sagot nya habang hinahawakan ang isa nyang kamay na nasugatan sa pagtumba nya.

"Paano naman ako nagkasugat? Ang alam ko lang may pilay ako" tanong ko sa kanya

"May pasa ka din at nagkulay violet na binti mo kaya pinadugo ko para di ka ma paralyze" sagot nya. Well, alam ko naman yun dahil ginawa ko na dati yun noong na hazing ako. Di ko lang talaga alam na namuo pala yung dugo ko sa binti.

"Aish, next time di na talaga kita tutulungan" naiinis na sabi nya at pumunta sa kusina ng karinderya upang hugasan ang kamay nyang may sugat. This time, nainis ako sa sarili ko but di ko pinahalata. Lumapit ako sa kanya ay kumuha ng tissue sabay hila sa nasugatan nyang kamay at pinunasan.

Sehun's POV

Nagulat ako ng bigla nyang hatakin ang kamay ko at punasan ang mga dugo sa sugat ko. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mas malakas sya sa akin. Anong klaseng babae ba to? Bat napaka lakas manuntok,manipa pati manghila. Natadyakan na ko ng ibang babae noon, nasampal pa nga pero iba talaga ang lakas nya.

"Aaraay! Wag mo diinan masakit!" Sabi ko sa kanya habang pinupunasan nya ang sugat ko ng pagkadiin-diin.

"Tss, ang laki mong tao ang Dali mong masaktan. Bitch" sagot nya sakin. Hinila nya ko at hinagis sa upuan at umalis.

"Dyan ka lang" sabi nya at lumabas. Pagkalipas ng 10 minutes bumalik na sya at may dalang plastic.

"San ka galing?" Tanong ko

"Sa kanto dyan sa drug store" sagot nya at kinuha ang kamay ko. Naglabas sya ng alcohol at bulak. Natakot ako sa gagawin nya dahil ayoko talagang nilalagyan ng alcohol ang sugat ko.

Maya maya pa ay binuhos nya ang alcohol sa sugat ko.

"Arraaaaaaaaay!" Sigaw ko at hinila ko ang kamay ko ngunit mas malakas talaga sya sakin kaya nahawakan pa rin nya ito.

"Shut up bitch" sabi nya at pinunasan ng bulak ang kamay ko. At binalutan nya ito ng benda.

"Thanks, di mo naman kailangan lagyan ng alcohol nahugasan ko naman" sabi ko.

"May kalawang yung bakal kung saan ka nasugatan, hindi uubra ang tubig don" sabi nya at sabay alis. Pero napahinto sya.

"Siguro naman bayad na ko sa mga utang ko sayo" sabi nya at sabay labas sa pintuan.


To be continue..

The BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon