Sehun's POV
"Aww! Anak ng tipaklong naman oo" sabi ko ng mabunggo ako ng isang babaeng tila hinahabol ng aso. Wait, familiar sakin tong babaeng to. Tama! Sya nga yung magnanakaw kaninang umaga.
"Ikaw nanaman?!" Tanong ko habang papatayo sya nang matumba sa pagkakabangga namin.Mukhang di na sya makapagsalita sa pagod.
"May....h-umahabol...sak-kin... Help me..." Hingal na hingal nyang sinabi. Nakita ko na parang masakit ang paa nya. Ayoko ng tulungan to, di naman marunong magpasalamat. Tss, iniwanan ko lng sya at nagpasyang umalis. Ng di sa kalayuan ay nakakita ako ng 5 lalaking tila may hinahabol at may sariling mga armas. Naalala ko yung babaeng magnanakaw.
Binalikan ko yung babae at..
"Andyan na sila,Tara naa" sabi ko sa kanya at tinayo, pero bigla syang humiyaw sa sakit. Ay tanga, nadiinan ko yung pilay nya.Di ko alam ang gagawin ko. Papalapit na ang mga lalaki.
Hanggang sa binuhat ko na lang sya ng pa bridal style at tinakbo. Well, runner ako nung high school kaya matulin talaga ko tumakbo kahit payat ako, athletic ang katawan ko.
Nang makaramdam ako ng pagod, nagpasya akong huminto sa isang sulok, mukhang di na sila nanghahabol. Hay salamat naman.
Natingin ako sa buhat kong babae, ang ganda pala nya pag tulog, nakatulog na siguro sa sobrang sakit ng binti nya. Hiniga ko sya sa sahig at tinignan yung pilay nya, tinaas ko ang fitted nyang pants hanggang tuhod. Shit nagiging violet na yung binti nya parang na-hazing? Ewan.
Naalala ko na masama pala ang namumuo ang dugo sa paa kaya dinala ko sya sa Karinderya namin dahil dun na lang ang pinaka malapit.
Hiniga ko sya sa lamesa at kumuha ng kutsilyo, hiniwa ko ng onti ang hita nya at bumulwak ang dugo. Agad ko naman pinunasan at hinugsan. Nung tatahiin ko na, nagising syang bigla
Patay..
BINABASA MO ANG
The BITCH
RandomIto ay tungkol sa isang babaeng naging 'bitch' dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend. Hanggang sa makakilala sya ng isang lalaki na mapagbabago sya at mamahalin niya. Pero may isang bagay syang matutuklasan na masasaktan sya ng sobra.