Sehun's POV
**2 weeks later***
Haayy. Nakakaboring dito sa bahay ng step mader ko. Wala kong makakwentuhan. Buti pa sa Jeongnam madami akong nakakakwentuhan. Aish. Bat kasi nawala pa cellphone ko eh di ko tuloy makatxt si fany. Namimiss ko na sya.
"Sehun,mag-impake ka na" sigaw sakin ng tatay ko habang nagluluto sya sa kusina.
"Bakit papa? San tayo pupunta?" Tanong ko. Wag mong sabihing aalis nanaman kami? Anak ng tipaklong naman.
"San Francisco" sagot nya. Watda?!
"Pa ano gagawin natin dun? Wala naman tayong kamag-anak dun ah" kalmado kong tinanong.
"May ipapakilala ko sayo" sagot nya habang nakangiti.
"Eh san ka kumuha ng pera pa?" Nakakapagtaka bigla na lang sya lagi nagkakapera. Di naman kami ganun kayaman. Sakto lang ang kinikita ni papa para saming tatlo.
"Nanghiram ako sa kaibigan kong balik bayan anak" tahimik nyang sagot. Ah kaya.
"Mamayang madaling araw na flight natin anak, ihanda mo na mga gamit mo, aalis lang ako sandali. Eto na hapunan" sabi nya at umalis bigla.
*****2:30 am*****
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Pagkabangon ko ay pumunta ko sa cr para maligo. Sabi kasi ni papa 4 am ang flight namin. Kaya dapat maaga kami at baka ma apurnada pa.
Naisip ko sino kaya yung ipapakilala sakin ni papa? Babae kaya o lalaki? Hala. Baka nafixed marriage na ko ah. Juice colored, si fany po ang gusto kong pakasalan wag nyo po ako ibibigay sa iba.
Haaaay miss ko na si fany. Musta na kaya sya. Magkikita pa kaya kami? Pagbalik ko sa Geonju hahanapin ko sya. 1 year lang naman kami sa San Francisco eh. Kaya yan Sehun
Kamusta na rin kaya si Taeyeon..
*****after 27 hours****
Haaayyy sa wakas nasa San Francisco na din! Nakalanghap din ng hangin sa ibang bansa.
"Anak, pag punta natin doon ayusin mo sarili mo ah" sabi ni papa habang nasa taxi kami.
"Aba papa, di ba ko kagalang- galang tignan? Haha sa gwapo kong to eh" sabi ko at napatawa si papa sabay gulo sa buhok ko.
"Ikaw talaga haha. Basta magbless ka din sa stepmother mo ah" sabi nya. Ah, andun pala si mami.
"Makakaasa ka tay" at nagtawanan kami.
*****sa bahay ng stepmom*****
Pagpasok namin sa bahay ay bumungad samin ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na "Welcome home!" At ang step mom ko na tuwang-tuwa kasama ang mga 3 nitong anak na babae. Half american ang step mom ko pero hindi halata sa itsura. Pero yung 3 anak na babae nya ay halata. Bat ganun? ._.
"Welcome home Sehun, wag ka mahihiya samin ah? Tagal din nating di nagkita haha namiss kita" sabi nya at niyakap ako. Inakap ko rin sya at napangiti.Nagbless ako.
"Kanina pa nga excited yan na pumunta dito eh" sabi ni papa at napatawa si mami. Kahapon pa kaya ._.
"Oh by the way, may ipapakilala nga pala ko sayo Sehun" sabi ni mami na sagad ang ngiti.
"Sino po" sabi ko.
"Tawagin ko lang" at biglang umakyat si mami.
"Sehun! Meet your brother," masayang sinabi ni mami at bumaba kasama ang isang lalaki. Na mas malaki sakin at mukhang anime ang mukha.
"Sehun, this is Kris" pakilala sakin ni mami at nakipag shake hands ako sa kanya.
"Nice to meet you Lil bro" sabi nya at napangiti ng onti.
"A-ah, nice to meet you too" sagot ko naman. Ang laki ng boses at ang cool nya. Sa wakas, may kuya na din ako. Yehet.
"Oh sya, maiwan muna namin kayo dyang magkakapatid ah. Magpapasama lang ako kay Eric mag grocery" sabi ni mami at umalis na sila ni papa.
"Hey there, I'm Kristy, this is Kristen, and that one is Krisy" sabi ng isang babae na green ang Mata. Wow, di sila mahilig sa 'K'.
"Ah, I'm Sehun" maikli kong sagot. Buti na lang magaling ako mag-english. Nung high school ako 89 ang pinaka mababa kong grades sa English haha.
"Don't be shy bro, feel at home. You're now a member of this family. Hope so we can get along" sabi ni Kris. Di naman pala sya masungit, mukha lang. Napangiti ako.
To be continue...
BINABASA MO ANG
The BITCH
DiversosIto ay tungkol sa isang babaeng naging 'bitch' dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend. Hanggang sa makakilala sya ng isang lalaki na mapagbabago sya at mamahalin niya. Pero may isang bagay syang matutuklasan na masasaktan sya ng sobra.