Author's POV
"Taeyeon! Ano nanamang katarantaduhan ang ginawa mo sa mall kanina?!" Sigaw sa kanya ni Mr. Kim
"Pag sinabi ko ba lalaki ako?" Pabirong sagot ni Taeyeon kahit galit na galit na ang ama nya.
"Bastos ka talaga! Bakit ka nagnakaw sa Mall?! Sinisira mo ang pangalan ng pamilya natin!" Sigaw pa sa kanya
"Alam mo naman pala nangyari bat nagtatanong ka pa. Tsaka ano bang pakielam ko kung masira pangalan ng mga KIM sa buong Korea?" Pataray na sagot nya habang umiinom ng tubig.
"My god Kim Taeyeon! Nasisiraan ka na ba?! Nag-iisa kang anak ng Prime Minister! Hindi ka ba man lang nahihiya sa akin na ama mo? Inaasahan ko pa man din na magiging matino ka like your mom" Dugtong pa ni Mr. Kim
"Whatever dad, basta ako, eto ako, wag mo hanapin ang wala sakin" sagot nya sa kanyang ama at pumasok sa kwarto.
Nakahiga si Taeyeon sa kanyang kama, napatingin sya sa kisame sa tapat ng kama nya. Na kung saan may mga sulat. Bigla na lang napangiti si Taeyeon ng may maalala sya.
Krrriingggg!
Napakurap sya ng tumunog ang cellphone nya.
One message received from Tiffany
Binasa ni Taeyeon ang text ng kaibigan.
"Taetae, may war tayo mamayang 12 am, punta sa ka hideout ng 11 pm"- Tiff
Kumunot ang noo ni Taeyeon
"Ano nangyari sa clan natin?"- Tae
"Na attack tayo ng 2ne2"-Tiff
"Oh that 4 bitches? Okay see you later"- Tae
"Okay leader"-Tiff
**********
-10:30 pm-
Habang nagdadrive si Taeyeon patungo sa kanilang hideout, naghanda na sya ng mga gamit nila. Ang favorite thing ni Taeyeon ay asera at baseball bat. Nagpasya syang tawagan ang leader ng kasangga nilang team.
"Suho, I'm on my way, pakisabi sa mga girls, ok" sabay Patay nya.
Napapreno si Taeyeon ng may humarang sa kanyang limang lalaki na may kakaibang mga hairstyle. Sinuot nya agad ang 2 nyang asera at kunwaring binulsa nya ito sa kanyang jacket at bumaba sa sasakyan nya.
"Woah chix, mukhang may lakad ka ata? Pwede bang makisabay?"
"Bitch, bulag ka ba o sadyang tanga ka lang Taeyang? Nakita mo naman sana na pang dalawahan lang ang Lamborghini ko dba?" Sagot ni Taeyeon sabay hawi ng buhok.
"Hahaha ganun ba, edi sumabay ka na lang samin maglakad. Tutal pareho lang naman tayo ng pupuntahan dba?" Sabat ni GDragon
"Di ko kasalan kung wala kayong pambili ng punyetang sasakyan nyo" matapang na sagot ni Taeyeon
"Haha aba, matapang ka talaga Kim Taeyeon, bilib ako sayo. Sana nga lang kabiliban ka din ng ama mo no?" Paninsulto ni GDragon kay Taeyeon at nagtawanan sila.
Nainip si Taeyeon sa walang kwentang sabatan nila ng Bigbang kaya nagpasya na syang sumakay at magmaneho ng biglang hampasin ni Seungri ng bat ang windshield ng sasakyan nya, salamat na lang at matibay ito.
Bumaba si Taeyeon ng sasakyan at lumapit Kay GDragon sabay sapak nito sa mukha. Hinawakan sya ni TOP upang bugbugin pero tinadyakan nya ito sa kanyang etits kaya nabitawan sya nito. Naglabas naman ng kutsilyo si Taeyang at sasaksakin si Taeyeon pero nakaiwas sya at hinampas nya ang batok nito gamit ang siko nya at nakatulog ito.
Si Seungri naman na katatapos lng butasin ang gulong ng sasakyan nya ay nahampas sya ng baseball bat sa binti nya kaya sya ay muntik na tumumba ngunit nasapak naman nya agad ito sa mukha. Nang nakahandusay na silang lahat tumakbo ng paika-ika si Taeyeon papalayo sa kanila.
Ngunit napansin nya na hinahabol pa din sya ng Bigbang. Kung hindi lang sana masakit ang paa nya ay lalabanan nya pa ito ngunit napuruhan sya kaya wala syang nagawa kundi ang tumakbo na lang. Hanggang sa makabangga sya ng isang lalaki.
"Aw! Anak ng tipaklong naman oo" pag-iinarte ng lalaki nang mabangga sya ni Taeyeon.
BINABASA MO ANG
The BITCH
RandomIto ay tungkol sa isang babaeng naging 'bitch' dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend. Hanggang sa makakilala sya ng isang lalaki na mapagbabago sya at mamahalin niya. Pero may isang bagay syang matutuklasan na masasaktan sya ng sobra.