okay, fine

25 2 2
                                    

Tiffany's POV

"No, don't go. Its dangerous" I said habang hawak ang braso nya. Sumama ang titig sakin ni Taeyeon

"The hell fany??" Tanong nya sakin

"Taeyeon, diba ikaw ang nagdala sa kanya dito? Responsibilidad mo na alagaan sya. And besides, kilala mo naman tong taong to at mukha nmang di gagawa ng kalokohan dito sa hideout natin." Sabi ko pero si Taeyeon ay nakatitig pa rin sakin ng nakakatakot.

"Okay, ganito,ako ang may punishment kapag may ginawa sya dito." Matapang na dugtong nya.

"Okay, fine" sagot ni Taeyeon

***(room 1) hideout***

Author's POV

"Thank you umm" sabi ni Sehun dahil di nya alam ang pangalan nito.

"Tiffany, I'm Tiffany and you're?" Dugtong ni fany.

"Ah. Sehun pangalan ko" nakangiting sagot ni Sehun at nginitian din sya ni Tiffany.

"Nakakatakot boss nyo" sabi ni Sehun

"Boss? You mean Taeyeon?" Nagtatakang tanong ni Tiffany at tumango naman si Sehun.

"Yun ba pangalan nya? Yung maliit na maiksi na blonde ang buhok?" Tanong ni Sehun

"Yup, her name is Taeyeon, she's the leader of our gang, no I mean, our sisterhood" sagot ni fany. Bawal kasi malaman ng iba o ng kahit sinong hindi fraternity ang totoo.

"A-ah? Kaya pala ganun na lang sya kayabang" sabi ni Sehun. At napatawa ng onti si fany

"Nope, Hindi sya mayabang. In fact, she's very kind at grabe mag mahal. You'll know it once you become close with her" nakangiting sagot ni fany.

"Ahh" maikling sagot ni Sehun. Sa totoo lng gandang ganda sya kay Tiffany lalo na kapag ngumingiti ito.

Sehun's POV

Ang ganda ni Tiffany. Grabe, crush ko na ata tong singkit na to. Sino ba naman hindi magkakagusto sa isang maganda at mabait na babae? Ayun ata ideal girl ng lahat ng lalaki eh. At syempre, isa na ko dun.

"Wait, friend mo ba si Taeyeon?" Tanong ni fany

"Ha?" Di ko alam kung ano isasagot ko. Hindi naman kami magkaibigan dahil 4 na araw pa lang kaming magkakilala. Hindi nga nya alam pangalan ko at ngayon ko lang nalaman pangalan nya.

"Hindi, mag ano lang... Ahh.. Amm" nag-iisip ako ng sagot.

"Ahh I get it" sagot nya at napatawa sya.

"Hindi ko syota yung midget na yun ah!" Baka kasi yun iniisip nya.

"Haha, di ko naman sinabing gf mo sya eh. Because I know that's impossible haha" sagot nya. Impossible? Gwapo naman ako ah? Pangit ba ko? Bakit impossible?

"I didn't mean dahil pangit ka. Well, actually you're cute. But, imposible talagang magka bf si Taeyeon" sabi nya. Aba, binabasa nya ba isip ko?

"Panong imposible? Tibo ba sya? Kaya pala ang lakas haha " Tanong ko

"Nope, straight sya.Long story Sehun" sagot nya. Yaan mo na, wala naman akong pakielam dun. Basta andito naman si Tiffany eh. Haha

"Sige alis na ko. Dito ka lang. Magpahinga ka at bukas na bukas ihahatid ka namin" sabi nya at ngumiti sabay alis. Haaay. Ang ganda nya talaga.

Taeyeon's POV

Pumunta ko sa hideout namin pagkatapos ko makipag-inuman sa Red Velvet clan. Malapit lang hideout nila samin at new clan lang sila. Well, lasing na lasing na silang lahat eh. Tumba na. Ako na lang gising. Isang dosenang case na ata ng gin ang nainom namin. But, di ako nalalasing eh. Ewan ko ba, nasanay na siguro ako kaya di na tinatablan ng alcohol.

Pag pasok ko sa hideout namin, umupo ako sa sofa at pumikit. Medyo inaantok na rin ako dahil 3 am na. I can still hear Sooyoung and Hyoyeon's laugh in room 4. Nanonood nanaman siguro ng Tom & Jerry, favorite nila.

Naisipan kong dito muna sa hideout namin mag stay. Pwede naman kami dito Pag gusto namin dahil hanggang 4th floor ang hideout namin. At may 9 rooms pero sa first floor lang. Kahit malaki to, hindi pansinin dahil malayo I mean sobrang layo ng lugar na to sa City.

Pumasok ako sa room 1. Wala namang tao dahil nakapatay ang ilaw. I took off my jacket and shirt. Now I'm on my sando. Humiga ako at nagkumot. Patulog na ko ng makaramdam ako ng hilo. Parang gusto kong sumuka. Tumakbo ako papuntang cr but nagulat ako sa nakita ko.


What the....


To be continue...

The BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon