Again

39 2 0
                                    

Author's POV

Naisip nila Tiffany na tulungan si Taeyeon na makalimutan ang problema nya kahit ilang oras lang. Kaya inaya nila nina Yuri at Jessica si Taeyeon na gumimik mamayang gabi.

"So saan tayo pupunta fany?" Tanong ni Yuri habang nakaupo sa driver seat sa BMW nya. Habang si Taeyeon ay tahimik na nakaupo at nakatingin sa bintana.

"Let's just troll around Yuri!" masayang sagot ni Tiffany na parang bata na napangiti ng onti si Taeyeon. Napangiti rin sila Yuri nang makita ito. Alam ni Tiffany na mahilig maglibot si Taeyeon. Dahil simple lang naman ang kaligayahan nya.


Ilang minuto pa ay masayang- masaya na ang apat sa loob ng kotse. Puro tawanan ang maririnig sa loob ng BMW at beat ng malakas na music nila. Hanggang sa may napansin si Yuri.

"Si GDragon ba yun?" Tanong nya at sabay turo sa 5 lalaki na parang may pinalilibutan. Naagaw ang atensyon ng 3 at tumingin sa tinuro ni Yuri.

"Hayy, may pinagtitripan nanaman sila. Kawawa naman yung lalaki na yon." sabi ni Jessica at napailing.

"Tutulungan ba natin yung lalaki?" Tanong ni Tiffany.

"Baliw ka ba tiffany?! Nakita mong puro lalaki yan" exaggerated na sagot ni Jessica.

"Let's go guys. Di natin alam nagawa ng lalaking yan sa Bigbang" sabi ni Taeyeon at napasandal.

"Sa bagay, hindi naman sila nananakit ng walang dahilan" dugtong pa ni Tiffany.

Nang papaalis na ang sasakyan nila, ay biglang nawala ang kumpulan ng bigbang. Nakita ni Taeyeon ang lalaki, duguan at nakahandusay. Hanggang sa mamukaan nya ito.

Sya nga

"Yuri, stop the car" at hininto ni Yuri. Bumaba si Taeyeon at sumugod sa bigbang ng walang armas.

"Tigilan nyo sya" kalmadong sabi ni Taeyeon habang nakatitig kay GDragon.

"Woah, hi Taeyeon!" Masayang sagot ni GD at hahalik sana kay Taeyeon pero bigla nya itong sinapak.

Natawa si GD "bilib naman talaga ko sa lakas mo Taeyeon, haha. Pakipot ka pa eh, alam ko namang gusto mo din ako" mapang-insulto nyang sabi.

"You're right. Gusto kita" Taeyeon said.

Napatingin sa kanya ang lima. "Yun! Bumumigay din! Hahaha" nagtawanan silang lahat at napa-smirk si Taeyeon.

"Gustong gusto kita GD... Gustong gustong patayin!" At sabay sipa nito sa mukha ni GD. Nagtakbuhan naman sila Yuri palapit sa kanila at may hawak na mga baril.

"Subukan nyong lumaban! Papuputukan namin kayo!" Sigaw ni Yuri at nagtakbuhan ang bigbang palayo.

Sinama nila si Sehun at pinunta sa hideout nila.

To be continue...

The BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon