Taeyeon's POV
Kinabukasan pumunta kami ni fany sa lugar kung saan nagpahatid si Sehun. At tama ako, ito yung lugar kung saan sya nagtatrabaho. Isang karinderya. Bumaba kami ni fany sa sasakyan at nagtanong sa isang crew.
"Excuse me, nandito ba si Sehun?" Tanong ko.
"Ah opo andun sa kusina, tawagin ko lang" sagot ng lalaki. Mga ilang Segundo pa ay lumabas na ang lalaki at may kasama.
"Eto po sya ma'am" sabi nya.
"E-eh? Ikaw ba si Sehun?" Tanong ko. Hindi naman ganun mukha nya.
"Opo ako nga po. Bakit po? " sagot nya.
"Wala ba dito yung Sehun na maputi,chinito tas payat na pang athletic katawan?" Sabi naman ni fany.
"Aahh. Si Oh Sehun ba? Wala na sya dito. Kahapon nag resign na sya" sagot ng lalaki. Nag resign?
"Ahh salamat na lang. P-pero alam mo ba kung saan sya nakatira?" Tanong ko.
"Doon lang sa Brgy. Kalikid, pero wala na din sya jan miss, balita ko kinuha na sya ng step mother nya"sagot nya. Biglang parang nalungkot ako.
"Ahh, Ge thanks" nasagot ko na lang. Napansin ni fany na parang lumungkot ako.
"He got my number. Hintayin natin sya magtxt at tanungin kung nasan sya" sabi nya.
Bigla Kong natauhan sa pinag-ggawa ko. Bakit ko ba sya hinahabol? Kung tutuusin bayad na ko sa utang ko sa kanya. Aish! Stupid!
"Wag na fany. Wala na Kong pakielam dun. Ano sya hahabulin ko. Asa pa sya" I said. Nag-iba nanaman mood ko.
"Ah okay" she said.
To be continue..
BINABASA MO ANG
The BITCH
De TodoIto ay tungkol sa isang babaeng naging 'bitch' dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend. Hanggang sa makakilala sya ng isang lalaki na mapagbabago sya at mamahalin niya. Pero may isang bagay syang matutuklasan na masasaktan sya ng sobra.